NI-LOCK MO BA YUNG PINTO?
CHARACTERS:
MAYA (V.O.) — telling the story after the fact; calm at first, tensing up as she gets closer to the part she doesn't want to relive
MAYA — her voice in-scene, in the moment, as it happened
CHLOE — her roommate, known prankster
THE VOICE — sounds exactly like Chloe, but isn't
(Note: MAYA (V.O.) and MAYA are the same actor, but should sound like two different emotional distances — the V.O. has survived this and is choosing her words carefully; the in-scene MAYA doesn't know yet what's coming.)
[OPENING NARRATION: Part 1]
[SFX: Soft ambient hum — wind chimes far off]
MAYA (V.O.): Mula pa noong first year namin, magkasama na kami ni Chloe. Dalawang taon na kaming nagsama bago kami nag-dorm dito — sa maliit naming dorm sa ikatlong palapag. Hati sa renta, hati sa gawaing-bahay. Hati rin, siyempre, sa mga gabing puyat.
MAYA (V.O.): Magkaiba kami ng ugali. Ako, seryoso, laging nag-aaral. Si Chloe naman — mahilig manggulo. Paborito niya akong gulatin sa pinaka-hindi inaasahang sandali.
MAYA (V.O.): Kung alam ko lang na pinakahuli na yung last na panggugulo niya sakin, siguro mas pinahalagahan ko pa.
[SFX: Pages turning. A ballpen clicking. The low hum of a desk lamp.]
MAYA (V.O.): Hatinggabi na noon nung nangyari ito. Kami lang yung natitirang may bukas na ilaw sa buong dormitory. Nakatutok yung aking desk lamp sa mga libro at papel na binabasa ko. Sa kabilang sulok ng kwarto? Double-deck na bed namin kung saan kami natutulog.
CHLOE: (sleepy, muffled through a blanket, behind Maya) Maya... matulog ka na. Ilang oras ka na diyan.
MAYA: (distracted) Mamaya na. Konti na lang.
CHLOE: (yawning) Sige. Basta— i-lock mo lang yung pinto ha.
MAYA: Oo, oo.
CHLOE: Wag mong kalimutan, malilimutin ka pa naman.
MAYA: Oo nga.
[SFX: Chloe shifting on the mattress, then stillness.]
[SFX (3-4 seconds): pen writing. Let the ordinary sit before we move.]
MAYA (V.O.):Ilang minuto lang ang lumipas, at nakatulog na siya. Ako, tuloy pa rin sa paggawa ng trabaho.
[SFX: Time ticking to signify time passing + pages turning. A long yawn. The pen drops once, gets picked back up.]
[OPENING NARRATION: Part 2]
MAYA: (stretch)(exhausted) Okay... tapos na 'to.
[SFX: Putting away things like books, pens, etc. followed by chair scraping against the floor]
[SFX: Outside, a dog starts barking]
MAYA (V.O.): May aso nga pala noon sa labas ng dorm namin. Alaga nung tagabantay. Palagi siyang tumatahol pag may dumadaan sa labas. Ngayon ko lang napansin na noong gabing ‘yun, saglit lang siyang tumahol. Tapos wala na. ‘Di ko na ulit narinig buong gabi.
[SFX: A light switch click.]
[SFX: Bedsprings creaking as she climbs into the lower bunk. Blanket rustling.]
[Silence.]
MAYA (V.O.): Masyadong pagod na ata ako nung mahiga ako noon, kasi, hanggang ngayon, hindi ako sigurado kung nai-lock ko ba ‘yung pintuan nung gabing iyon.
[SCENE: LATER THAT NIGHT]
[SFX (fade in): play crickets]
MAYA (V.O.): Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Mabigat yung antok ko nun — yung tipong parang nalunod ka sa dilim, walang panaginip, walang kamalay-malay.
Ang tanging naaalala ko lang ay ‘yung lamig ng hangin noon. Mas malamig kaysa sa karaniwan. At parang… tumigil ‘yung daloy ng oras. Alam mo yung pakiramdam na hindi mo alam kung hatinggabi na ba o malapit nang mag-umaga? Ganun.
Nagising ako sa isang tunog.
[SFX: A faint, wooden creak from above. Then it happens again, closer.]
CHLOE: Maya. Psst. Maya.
MAYA: (groggy, groaning) ...Ano?
MAYA: Chloe?
CHLOE: Maya. Ni-lock mo ba yung pinto?
MAYA (V.O.): Nakita ko ‘yung anino niya. Nakasilip siya sa ‘kin mula sa top bunk. Kalahati lang ng mukha niya ang nakadungaw.
MAYA: (trying to remember, voice thick with sleep) …Bakit?
CHLOE: (no inflection change) May kumakatok kasi.
MAYA (V.O): Dito medyo — nagtaka ako.
MAYA: (sitting up slightly) Ha? Wala naman ah.
[SFX: Three knocks made by Chloe— wood against wood, deliberate. On the edge of the top bunk. Then nothing. Let it ring out into silence.]
CHLOE: Ayan oh.
MAYA (V.O): Inisip ko na isa na naman ‘yon sa mga panggugulo niya – na nananakot lang siya para makakuha ng reaksyon mula sa akin.
MAYA: Loko ka talaga. Ginising mo pa ako para dyan. Matulog ka na nga.
[Pause]
CHLOE: Maya.
[SFX: knocking]
Maya. Ni-lock mo ba yung pinto?
(repeat over voiceover)
MAYA (V.O): Inulit niya. Nainis ako. Gusto ko lang matulog nun eh. Alam mo ‘yun — ‘yung tipong pagod ka na, ayaw mo nang pag-isipan pa. Kaya sinagot ko na lang siya para matapos na.
MAYA: Chloe, please. May exam pa ako bukas. Wala akong naririnig. Naka-lock yung pinto. Matulog ka na pwede ba?!
CHLOE: Sinungaling~
MAYA (V.O.): Doon ko medyo naramdaman — parang mali yung diin niya sa salita. Parang alam niyang mali ang sagot ko, pero hindi dahil nahuli niya akong nagsisinungaling. Parang... alam niya talaga.
MAYA: Oh alam mo naman pala eh. Edi ikaw mag-lock.
MAYA (V.O): Tinalikuran ko siya.
[SFX: Maya turning over — blanket shifting, bed creaking as she faces away.]
MAYA (V.O.):Ayoko na sanang makipag-usap pa. Sarado na ‘yung mga mata ko, pero gising isip ko. Naririnig ko pa rin ang sarili kong paghinga, at ‘yung kama, konting tunog kada galaw ko.
MAYA (V.O): Napaisip din ako nun. Parang wala akong naalala na hinawakan ko ‘yung pinto bago ako natulog.
CHLOE: Maya. Sigurado ka bang ni-lock mo yung pinto?
MAYA (V.O.):Dito ko napansin. ‘Yung boses niya. ‘Yung paraan ng pagtingin niya kanina. ‘Yung katahimikan.
MAYA: …
MAYA (V.O): Hindi ako maka imik non. Gusto ko siyang lingunin ngunit ‘di ko magawa. Alam mo yung pakiramdam na may mali, pero ayaw mong kumpirmahin kasi baka totoo nga? Ganun ako non. Nakatitig lang sa dingding, nakikinig sa sarili kong hininga, umaasang — kung hindi ako titingin, mawawala na lang.
[SFX: A sound. Cracks. Like a series of bones breaking or rearranging. Then nothing.]
CHLOE: Maya…~
MAYA: …Chloe?
[Long pause.]
[SFX: Muffled, frantic sobbing like someone with a gag in their mouth struggling from a dark corner underneath the lower bunk.]
MAYA: (Gasping in fear and catching her breath) C-Chloe... kung andyan ka sa baba... sino ‘yung...
THE VOICE: Alam mo bang may nakapasok?
[SFX: Silence. A single heartbeat thud, low in the mix. Then — cut to black.]
[END SCENE]