KAHULUGAN
Ang “mekus-mekus” ay isang salitang patok sa kabataang Pinoy na nagmula sa playful o pabirong pagbigkas ng “mix-mix,” gaya ng sinasabi umano ng ilang Indian street food vendors habang hinahalo ang pagkain gamit ang kamay. Sa social media, partikular na sa mga video ni Mr. Nobodydudy, ginamit ito bilang nakakatawang paraan ng paglalarawan ng paghahalo. Kalaunan, lumaganap ito at nagkaroon ng bagong kahulugan sa wika ng Gen Z.
HALIMBAWA
I-mekus-mekus na ang Noche Buena leftover para may ulam hanggang 2024.
ABS-CBN News Social Media Team. (2023, December 29). Rizz, mekus-mekus: Trending internet slang in 2023. ABS-CBN. Retrieved May 22, 2025, from https://www.abs-cbn.com/life/multimedia/slideshow/12/29/23/rizz-mekus-mekus-trending-internet-slang-in-2023