KAHULUGAN
Ang salitang "Marites" ay nanggaling sa pariralang “Mare anong Latest” na may kahulugang "ano ang mga bagong balitang iyong nakalap kaibigan?". Ito ay mula rin sa mga palabas noon sa telebisyon kung saan karaniwang pinapangalanang "Marites" ang mga karakter na mahilig makipag-chismisan, o mangialam sa buhay ng ibang tao. Ito rin ay nauso noong 2022 sa mga mamamayan ng iba't ibang bayan at kasalukuyan pa ring ginagamit bilang pantawag sa mga kapit-bahay na chismosa.
HALIMBAWA
Hayss. nakakainis yung mga kapitbahay natin dyan sa tapat napaka-Marites, laging pinag-uusapan ang buhay ng ibang tao.
Sanggunian:
Bria. (2023) The 6 Most Popular Filipino Internet Slangs of 2022. https://www.bria.com.ph/articles/the-6-most-popular-filipino-internet-slangs-of-2022/