KAHULUGAN:
Ang salitang ito ay sumikat noong 2022 sa TikTok dahil sa isang influencer na si Chrishanna Luisa Olavidez o mas kilala bilang Forda Ferson dahil sa madalas na pagbigkas ng salitang "forda". Ang salitang ito ay tumutukoy sa kinahihiligang gawin ng isang tao, maari din itong tumukoy sa kanyang itsura o panlabas na kaanyuan at panghuli pwede rin itong gamitin sa paglalarawan sa iba pang tao.
HALIMBAWA
Ang sosyal mo naman bes forda inom ka ng coffee sa Starbucks.
Sanggunian:
De Leon, P. (2022). De Leon: 'Forda' explanation ang ferson': And what does that even mean? Sunstar.