KAHULUGAN:
Ang salitang "beh" ay nangangahulugang "Baby" sa wikang Ingles kung saan pinutol ang dalawang pantig ng salita at kinuha ang “By” na ngayon ay binibigkas bilang “Beh”. Sa ngayon, nangangahulugan na ito bilang kaibigan. Nagmula rin ito sa mga magkasintahan na madalas gamitin bilang kanilang tawagan sa isa't isa. Ito ay nauso noong taong 2022 dahil sa labis na paggamit ng mga magkakaibigan bilang kanila ring tawagan sa isa't isa imbes na gamitin ang kanilang mga pangalan.
HALIMBAWA
Kamusta Beh! Alam mo ba may ichichismis ako sa iyo tungkol sa kapitbahay naming galing ibang bansa.