Home

Here's my suggested "RH Bill orientation" program for mothers:



1) Please be guided by this program which we ran at a Barangay community:

http://sites.google.com/site/rhbillphils/

2) Important elements:

a) MATERNAL HEALTH issues and arguments against the RH Bill:

http://youniv.wordpress.com/category/maternal-health/

b) Economics and Demographics:

I suggest the following "POP 101" videos, which explain in simple & humorous fashion that "Overpopulation is a MYTH":

http://www.youtube.com/watch?v=vZVOU5bfHrM&NR=1

Population has been CHECKED (controlled), as opposed to Malthus' expectation!



Watch also this part of the POP 101 Video! 

http://www.youtube.com/watch?v=zBS6f-JVvTY

c) I'd highly recommend the viewing of "DEMOGRAPHIC WINTER", which is available on YouTube:

http://www.youtube.com/watch?v=6PjiMDMHGPU

[the above link leads you to the other parts of the documentary film]

3) CHASTITY: It is necessary to teach/transmit the critical teachings on CHASTITY: For this, I'd recommend the following:

a) JASON EVERT - chastity.com:

http://www.chastity.com/

Jason Evert now has a YouTube channel - Please watch all :-)

http://www.youtube.com/jasonevert



b) "I Keep Love Real" program:

Blog:
http://www.blogcatalog.com/blogs/uap-i-keep-love-real-blogsite

Blog community/forum:
http://www.mybloglog.com/buzz/community/uapsikeeplovereal/

4) "One Man, One Woman, For Life" - a marriage preparation course based on the Pixar movie "Up" :-)

http://sites.google.com/site/onemanonewomanforlife/


5) Kindly review the document Humanae Vitae :


http://www.vatican.va/holy_father/paul_vi/encyclicals/documents/hf_p-vi_enc_25071968_humanae-vitae_en.html

Humanae Vitae - Salient points (English & Filipino):

God's Loving Design

8. Married love particularly reveals its true nature and nobility when we realize that it takes its origin from God, who "is love," (6) the Father "from whom every family in heaven and on earth is named." (7)

Marriage, then, is far from being the effect of chance or the result of the blind evolution of natural forces. It is in reality the wise and provident institution of God the Creator, whose purpose was to effect in man His loving design. As a consequence, husband and wife, through that mutual gift of themselves, which is specific and exclusive to them alone, develop that union of two persons in which they perfect one another, cooperating with God in the generation and rearing of new lives.

The marriage of those who have been baptized is, in addition, invested with the dignity of a sacramental sign of grace, for it represents the union of Christ and His Church.

:

Responsible Parenthood

10. Married love, therefore, requires of husband and wife the full awareness of their obligations in the matter of responsible parenthood, which today, rightly enough, is much insisted upon, but which at the same time should be rightly understood. Thus, we do well to consider responsible parenthood in the light of its varied legitimate and interrelated aspects.

With regard to the biological processes, responsible parenthood means an awareness of, and respect for, their proper functions. In the procreative faculty the human mind discerns biological laws that apply to the human person. (9)

With regard to man's innate drives and emotions, responsible parenthood means that man's reason and will must exert control over them.

With regard to physical, economic, psychological and social conditions, responsible parenthood is exercised by those who prudently and generously decide to have more children, and by those who, for serious reasons and with due respect to moral precepts, decide not to have additional children for either a certain or an indefinite period of time.

Responsible parenthood, as we use the term here, has one further essential aspect of paramount importance. It concerns the objective moral order which was established by God, and of which a right conscience is the true interpreter. In a word, the exercise of responsible parenthood requires that husband and wife, keeping a right order of priorities, recognize their own duties toward God, themselves, their families and human society.

From this it follows that they are not free to act as they choose in the service of transmitting life, as if it were wholly up to them to decide what is the right course to follow. On the contrary, they are bound to ensure that what they do corresponds to the will of God the Creator. The very nature of marriage and its use makes His will clear, while the constant teaching of the Church spells it out. (10)

--O--O--O--O--

The UNITIVE and PROCREATIVE aspects:

Union and Procreation

12. This particular doctrine, often expounded by the magisterium of the Church, is based on the inseparable connection, established by God, which man on his own initiative may not break, between the unitive significance and the procreative significance which are both inherent to the marriage act.

The reason is that the fundamental nature of the marriage act, while uniting husband and wife in the closest intimacy, also renders them capable of generating new life—and this as a result of laws written into the actual nature of man and of woman. And if each of these essential qualities, the unitive and the procreative, is preserved, the use of marriage fully retains its sense of true mutual love and its ordination to the supreme responsibility of parenthood to which man is called. We believe that our contemporaries are particularly capable of seeing that this teaching is in harmony with human reason.

 

--O--O--O--O--

 

http://www.catelect.org/2010/01/isang-katesismo-sa-pamilya-at-buhay-para-sa-halalan-2010/

 

8. Ano ang pagkakaiba ng  paglilikha at pagpaparami?

Ang reproduction o pagpaparami ay ang proseso ng pagdagdag sa bilang ng mga bagay na may buhay upang magpatuloy ang pag-iral nito.  Nauukol ito sa ibang uri ng buhay  at hindi sa buhay ng tao.  Ang pagpaparami ng halaman o hayop ay hindi nangangailangan ng malalalim na ugnayan katulad ng sa tao. Sa kabilang banda, ang pro-creation o paglilikha ay ang tamang kataga para sa paglikha ng tao.  Tumutukoy ito sa pagmamahalan at pagtatalik ng mag-asawa na bukas sa posibleng paglikha ng Diyos sa isang buhay ng tao.  Ang paglilikha ay nangangahulugan ng pakikiisa ng mga magulang sa Diyos bilang mismong bukal ng buhay.  Ang mga katangiang ito ng paglilikha ay hindi ito matatagpuan sa pagpaparami ng mga hayop at halaman.

Ang pagtatalik ng mag-asawa ay pangungusap na nagsasaad ng dalawang kahulugan: pagkakaisa (unitive) at paglilikha (procreative). Sa pagtatalik ng mag-asawa, ganap na ipinagkakaloob ng babae at lalaki ang kanilang sarili sa isa’t isa sa pamamagitan ng kanilang katawan. Sinasabi nila sa isa’t isa, “Ipinagkakaloob ko ang aking buong pagkatao sa iyo, minamahal kita at at tinatanggap ko ang iyong buong pagkatao; tayo ay iisang laman.” Ito ang ibig sabihin ng pagiging isa ng mag-asawa.

Dagdag pa rito, dahil sa pisikal na kaanyuhan at katangian ng lalaki at babae, possible ang paglilikha ng buhay sa sandaling nagkaroon ng pagtatalik.  Sa gayon  karugtong sa pagbubuo ng buhay ang pagtatalik ng mag-asawa.  Sa ganap na pagtanggap ng mag-asawa sa isa’t isa, sinasabi nilang, “Dahil mahal kita at tinatanggap kita sa iyong kabuuan, pati ang gampanin ng iyong katawan, buo ko ring tinatanggap ang posibilidad ng pagkakaroon ng bunga ang ating pagmamahalan, ang biyaya ng pagkakaroon ng panibagong anak.”  Kung sa ganon, hindi mapaghihiwalay ang dalawang kahulugan ng pagkakaisa at paglilikha.

Ang mga aklat na gumagamit ng salitang reproduction (pagpaparami), at  hindi procreation (paglilikha), kahit nakalaan para sa mga paaralang Katoliko, ay kailangang suriin kung mayroong pananaw na maka-kontraseptibo. Kinakailangan itong ituwid upang hindi makadagdag sa pananaw na tama ang paggamit ng kontrasepsyon. Malilito ang mga mag-aaral hinggil sa malinaw na turo ng Simbahan tungkol sa halaga ng pamilya at buhay.  Maaari ring magdulot ng pagkalito kung ipapantay natin sa turo ng Simbahan ang pananaw ng ilang mga teologo na may taliwas na pag-unawa sa mga pagtuturong ito.

 

9. Bakit mali ang paggamit ng kontrasepsyon?

Ang kontrasepsyon ay tumutukoy sa anumang bagay bago, kasabay o pagkatapos ng pagtatalik na naglalayong pigilan ang anumang posibilidad ng paglikha ng buhay. Sa paggamit ng kontrasepsyon, tila sinasabi ng magkabiyak na, “Mahal kita kung hindi tayo mag-aanak.” Sa makatuwid, ginagawa nitong isang kasinungalingan ang pagtatalik ng mag-asawa. Hindi nito ipinapahayag ang tunay na kabuuan ng pagmamahal kundi bahagyang pag-ibig lamang, yaong  may kondisyon. Pinaghihiwalay ng kontasepsyon ang dalawang kahulugan ng pagtatalik, ang pagkakaisa (unitive) at paglilikha ng buhay (procreative).

Batay pa rin sa Medisina, mayroong masasamang epekto sa kalusugan ang mga kontraseptibo, kung kaya’t ang paggamit nito ay nagpapahayag ng higit pang kasinungalingan at kontradiksyon. Nilalagay nito sa panganib ang pisikal na kalusugan ng babae at maging ang ispiritual na kalagayan ng kanilang pagsasama.

 

10. Bakit hindi kontrasepsyon ang natural na paraan?

Ang natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya ay gabay lamang sa babae upang malaman niya kung siya ay maaaring mabuntis o hindi sa naturang panahon. Ito ay kaalamang sayantipiko na magagamit ng mag-asawa sa kanilang pagpasya kung nais nilang magkaroon ng anak o hindi muna. Sa ganitong paraan, walang ginagawa ang mag-asawa upang pigilan ang posibilidad ng paglikha ng buhay na maaaring maging bunga ng pagtatalik.  Ginagamit nila ang kaloob ng Diyos na “cycle” ng babae sa kanilang desisyon ukol sa pagkakaroon muli ng anak o pansamantalang hindi muna.

 

11. Ano ang reproductive health?

Ayon sa United Nations, ang reproductive health (kalusugan sa panganganak) ay tumutukoy sa mabuting kalagayang pisikal, mental at sosyal, at hindi lamang sa kawalan ng sakit  sa reproductive system at mga gawain nito. Sinasabi nitong ang tao ay may karapatan sa isang kasiya-siya at ligtas na buhay sekswal. Ang pagtatalik ay natural at angkop sa konteksto ng kasal subalit ang reproductive health ay nagpaparaya sa larangan ng sex sa bawat tao kasama ang mga bata,  binata at dalaga, at sa pagpapasya kung nais, kailan, at gaano kadalas manganak. (UN Cairo Conference, Program of action).

Kung susundan ang kahulugang ito, sinasabi rito na kung ang kasiya-siyang buhay sekswal ay magbubunga ng hindi-inaasahang pagdadalang-tao, ang kahirapang emosyonal ay makakaapekto sa kanyang kalagayang mental at sosyal.  Sa gayon, ang reproductive health ay magpapahintulot sa kontrasepsyon at aborsyon upang matamo itong naturang kalusugan. Ito ang baluktot na pangangatuwirang ito sa likod ng mga ahensiya ng UN kung kaya naninindigan nilang kasama ng serbsiyong reproductive health ang kontrasepsyon at aborsyon.

Ganito ang kahulugan ng reproductive health sa Reproductive Health Bill sa Philippine Congress.  Panukala rin nitong parusahan ng pagkakalulong mula isa hanggang anim na buwan at/o multahan ng sampu hanggang limampung libong piso ang mga magulang na hindi pahihintulutan ang kanilang mga anak sa elementary at high school na gumamit ng mga kontraseptibo, o magkakaron ng isang kasiya-siya at ligtas na sex.  Ang probisyong ito pati ang katotohanang may mga kontraseptibo na sa katunayan ay nakapapatay sa mga limang-araw na sanggol sa sinapupunan, ay madalas nakakaligtaang banggitin sa mga survey ukol diumano sa pagtanggap ng mga tao sa Reproductive Health Bill.

Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa pangalan ng reproductive health and rights. Paano na lamang ang karapatan ng mga magulang?  At ang karapatan ng mga batang di pa isinisilang?

 

12. Ano ang mga karanasan sa ibang bansa kaugnay sa reproductive health at sa mga isyu ng pamilya at buhay?

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga nangyayari sa ibang bansa, madaling makita ng mga kasapi sa Family and Life Ministries at mga pamilyang Pilipino kung ano ang posibleng layunin ng mga nagsusulong sa Reproductive Health and Rights dito sa atin.  Sa ibang bansa, ang mga klinika sa paaralan ay kailangang humihingi ng pahintulot ng magulang upang gamutin ang maliit na galos.  Subalit ang mga klinikang ito ay pinagbabawalan na ipaalam sa magulang kung ang kanilang anak ay nagpagamot ng sakit sa tiyan dahil sa aborsyon. Sa ibang lugar, ang mga bata ay hinihingan ng permiso ng magulang sa paglalagay ng tattoo, pero hindi sa kaso ng aborsyon.

Isang mataas na opisyal sa ibang bansa na nagbigay ng malaking pondo para sa Reproductive Health services sa Pilipinas ay nagpahayag noong nakaraang Abril na, “Naniniwala kaming ang pagpaplano ng pamilya ay mahalaga sa kalusugan ng isang babae,  at kasama ang aborsyon sa reproductive health.” Noon namang Nobyembre 2008, isinulat ng isang mamamahayag dito  na sa “Mexico City… ang matagal na pakikipaglaban para sa reproductive health and rights ito ay humantong sa pagkakaroon ng isang batas na nagtatanggal sa anumang pagbabawal sa aborsyon.”  Maraming mga bansa sa buong mundo at mga ahensya ng United Nations ang nagsusulong ng Reproductive Health and Rights upang matamo nila ang pagbibigay serbisyo para sa aborsyon sa mga kababaihan.

Sa likod ng konsepto ng Reproductive Health and Rights ay ang paghihiwalay sa sekswalidad, paglilikha ng buhay, at ang pagiging angkop ng lalaki sa babae.  Sa kanilang pananaw,  ang  kaligayahan ang sukdulang layunin ng sekswalidad at ang paglikha ng buhay ay isang gawain lamang sa larangan ng kalusugan. Ipinahihiwatig din nito na ang ugnayan ng lalaki at babae ay maaaring tingnan bilang pabago-bago at panandalian lamang. Malayung-malayo ito sa tunay na kagandahan ng pagmamahalan ng mag-asawa na ganap, buo, tapat, at bukas sa posibilidad ng buhay.

Bago ang lahat, ang lalaki at babae ay mga tao na taglay ang buong dignidad ng tao. Dahil dito, hindi maaaring gamitin ang sex para lamang sa panandaliang kaligayahan.  Kapag nagkaganito, ibig sabihin ay ginagamit lamang ang tao bilang isang bagay.

 

http://www.catelect.org/2010/01/isang-katesismo-sa-pamilya-at-buhay-para-sa-halalan-2010/

 

HUMANAE VITAE:

http://www.vatican.va/holy_father/paul_vi/encyclicals/documents/hf_p-vi_enc_25071968_humanae-vitae_en.html

 

:-)