Mga Anting Anting

Mga Anting-anting

 

Naging kaugalian na ng mga Arabo sa panahon ng Propeta  صلى الله عليه وسلم na mag suot ng mga pulseras, bangles, beaded necklaces, kabibe etc., bilang mga agimat upang maiwasan ang kamalasan at makatamo ng magandang kapalaran. Iba’t ibang uri din ng mga anting anting at mga amulet ay matatagpuan sa lahat ng lugar sa mundo. Gaya ng nabanggit sa mga nagdaang kabanata, ang paniniwala sa mga anting anting, mga batong pampasuwerte ay sumasalungat sa paniniwala sa pagkapanginoon ni Allah sa pamamagitan ng pagbigay sa mga nilikhang bagay ng kapangyarihang magsanhi ng kasamaan o magdala ng magandang kapalaran. Nilabanan ng Islam ang lahat ng pagpapahayag ng mga ganitong paniniwala na lumitaw sa Arabia sa panahon ng huling Propeta  صلى الله عليه وسلم upang maitatag ang isang alituntunin na magiging basehan ng paghatol o pagbawal sa mga magkatulad na paniniwala/gawain kailanman o saan man ito lilitaw. Ang ganitong uri ng paniniwala (pagbigay kapangyarihan sa mga nilikhang bagay), sa katotohanan, ay nagbigay batayan sa pagsamba sa mga idolo sa karamihan ng mga sambayanang paganismo at ang mga anting anting mismo ay isang uri ng Idolatriya. Ang kaugnayan na ito ay makikita sa mga Katolikong branch ng Kristiyanismo, na kung saan si Propeta Hesus ay inangat sa pagkadiyos, at ang kanyang Ina at maging ang mga Santo ay sinasamba, at ang mga larawan, rebulto, medalya na may nakaukit na kawangis (Imagined) nila ay tinatago at sinusuot, naghahangad ng mabuting kapalaran.

 

Nang tanggapin ng mga tao ang Islam sa panahon ng Propeta Muhammad, kadalasan ay kanilang nadadala ay kanilang paniniwala sa nga agimat na tinatawag sa Arabic na Tamaaim (sing. Tameemah).  Sa kadahilanang ito, maraming mga nakatalang kasabihan ng Propeta na mahigpit na nagbabawal ditto, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa:

 

Nagsalaysay si Imraan Ibn Husain:

 

Nang nakita ng Propeta ang Bangle sa braso ng isang lalake, sinabi niya sa kanya, “Kasawian sa iyo! Ano ito?” Tugon ng lalake na ito ay upang siya ay makaiwas sa sakit na tinatawag na Al-Wahinah(Panghihina).  Pagkatapos nito, sinabi ng Propeta, Itapon mo yan,  Katunayan iyan ay makakapagpalala pa ng iyong panghihina.  At kapag namatay ka ka habang iyan ay nasa sa iyo hindi ka magtatagumpay.

 

Samakatuwid ang pagsuot ng tanso, brass o bakal ng pulseras, bangles at mga singsing ng may sakit man o malusog na may paniniwala na sila ay makakapag-iwas o makakagamot ng sakit ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang ganitong uri ng pag-gamit ay nabibilang sa mga ipinagbabawal na pamamaraan ng pag-gamot ng sakit na kung saaan ang Propeta ay nagsabi

 

 

“Bigyan ninyong lunas ang inyong mga sakit subalit huwag kayong magbigay lunas sa pamamagitan ng mga ipinagbabawal na bagay.”

 

Sinabi rin ni Abu Ulaqid al-Laythe:

 

“Kung ang sugo ni Allah ay nagtungo (Pumunta) sa Hunain, napadaan sila sa isang puno na tinatawag na Dhatu anunat.  Nakagawian na isabit ng mga pagano ang kanilang mga sandata sa mga sanga nito upang magdulot ng magandang kapalaran.

Ilan sa mga Sahaabah nab ago sa Islam humingi sa Propeta upang gawan sila ng kahoy na katulad nito.  Tugon ng Propeta Subhanallah! Ito ay katulad ng kung ano ang sinabi ng mga kasama ni Propeta Moses sa kanya.

 

Ako ay sumumpa sa Kanya na kung saan ang aking kaluluwa ay nasa kamay niya, Kayong lahat ay sumusunod sa mga yapak ng mga nauna sa inyo.”

 

Sa hadeeth na ito, hindi lamang hindi tinanggap ng Propeta ang konsepto ng Good luck charms nhunit kanya pang hinulaan sa gagawin ng mga muslim ang mga Gawain ng mga Kristiano at mga Hudyo.  Ang mga Dhikr beads sa karaniwang ginagamit ng mga muslim ay nagagaya sa rosaryo ng mga Katoliko.  Ang Maulid ay pag-gaya sa Christmas, at ang paniniwalang ilan sa mga Muslim sa mga Santo at ng kanilang pamamagitan ay hindi magkaila ng prinsipyo sa mga matatagpuan sa Kristianismo. Ang hula ay nagpatotoo na!

 

Ang Propeta ay nagbigay pa ng karagdagang pagpapahalaga ukol a kalubhaan ng pag suot ng amulet sa pag evoke ng sumpa ni Allah sa mga gumagawa nito.  Sinabi ni Uqbah ibn Amr na minsan sinabi ng Propeta na:

 

“Nawa’y huwag pagtagumpayin at bigyang kapaguran/ walang kapayapaan ni Allaah ang sinumang mag suot ng agimat o maglagay nito sa iba.”

 

Mahigpit na sinunod ng mga kasamahan ang kanyang utos ukol sa charms at amulets.  Sa dahilan nito, maraming mga nakatalang pangyayari na  kung saan kanilang pinigilanb ng pahayag ang mga ganitong Gawain sa lipunan at maging sa kanilang mga pamilya kapag ito ay nangyayari.  Sinabi ni “Urwah na nang ang Sahabi na si Hudaifah ay bumisita sa iang maysakit na tao at nakita ng  bracelet sa braso ng taong ito, kanya itong hinugot at sinira.  Pagkatapos nito, kanyang binasa ang talatang (12:106)

 

Sa ibang pagkakataan, kanyang hinawakan ang braso ng isang taong may sakit at kanyang nakapa ang Kyayt (cord bracelet) nakapalibot ditto.  Nang kanyang tinanong kung ano ito, sagot ng tao na iyon,

 

“Ito ang naglalaman ng spell (bias) na ginagawa para lamang sa kanya.” Hinugat ito ni Hudhaifa bmula sa braso ng tao na ito at nagsabi “Kapag ikaw ay namatay na suot ito, hindi ako magdadasal ng funeral sa iyo! Ang asawa ni ibn mas’od na si Zainabay nagsalaysay na minsan ng Makita ni Ibn Mas’od ang kwintas sa kanyang leeg tinanong niya kung ano ito, at kanyang tugon “Ito ay tali na nabasahan ng dasal upang tulungan ako”. Hinila niya ito sa kanyang lleeg, sinira at nagsabi.” Tunay na ang pamilya ni Abdullah ay walang pangangailangan sa shirk! Narinig ko na nagsabi ang sugo ni Allah:

 

Katotohanan ang spells, talisman, chains ay mga shirk.’

 

Sagot ni Zainab, Bakit mo ito sinasabi?  Dating nag twitch ang mata ko at nang ako ay pumunta kay pulan, ang hudyo, at naglagay siya ng spell ditto at ahng pagtwitch ng mata ko ay huminto!  Sagot ni Ibn Mas’od, tunay na iyon lamang ay isang dermonyo na ginagalaw niya ng kanyang kamay kaya ng ito ay na bewitch, kanyang iniwan ito.  Dapat n asana para sa iyo na magsabi kagaya ng pagsabi ng Propeta:

 

Idhhabil- ba’s Rabban- naas washfi, anta ash-shafee, la shifa ‘a illa shi fa’uk, shifa’an la yughaadirahu saqama.

 

“Alisin mo ang paghihirap o panginoon ng sangkatauhan at bigyan mo ng lubos na lunad dahil ikaw ang tunay na naggagamot. Walang lunad liban sa lunas mo, Lunas na hindi nasusundan ng pagkasakit.”

 

Hatol sa charms

 

Katulad na ng nabanggit, ang pagbawal sa mga amuletd, talisman at charms ay hindi limitado sa mga anyo na lumilitaw sa mga arabo na kinalaban ng Propeta.  Kahit ano pa mang bagay na gamutin sa magkatulad nadahilan, ito ang pagbabawal na ito ay applicxable.  Ang paggamit ng mga charms ay karaniwan sa lipunan ng kanluran ngayon kahit na ito ay nangunguna sa teknolohiya at siyentipikong achievements.

 

Maraming mga talisman na nagging bahagi na ng pang-araw na pamumuyhay na kakaunti na lamang ang nag-iisip tungkol dito, ngunit kapagang kanilang pinanggagalingan ay binunyag, ang shirk na pinagmulan nito ay nagiging maliwanag.   Ang mga tanyag na talisman sa  lipunang kunluran.

Comments