Ibalik Nyo Ako sa Pilipinas

Inaalay po ito sa mga kababayan nating nasa ibayong dagat. Malayo ka man, nais mo'y makabalik sa bayan mong pinagmulan. Gusto mong magbalik tanaw sa mga maliligayang araw ng ating samahan. Mga jokes na corny, mga usapan tungkol sa walang kakwenta-kwentang bagay, pagtawanan natin ang hitsura ng mga taong nagdadaan, tambay lang tayo dito baka may matisod na pera.

Ibalik nyo ako sa Pilipinas. Iyan ang sigaw ng ilan na hindi nabibiyayaan ng magandang swerte sa ibayong dagat. Ngunit sa pamamagitan ng pagpupursigi, tayo ay nakakaahon sa mga dagok ng tadhana dahil tayo'y ipinanganak na survivors. Nasa dugo natin ang maging matibay sa harap ng gabundok na suliranin. Tayo ay mapangahas, mapusok. Tinatahak natin ang landas na matatapang lang ang may lakas-loob na bumagtas.

Mula sa aking kinalalagyan ay nadidinig ko ang mga unang huni ng ibon. Maya-maya pa ay susundan ito ng mga tilaok ng manok. Umaga na pala. May isang araw na naman tayong bubunuin. Sana ay maswerte ang araw na ito. Sayang nakuha ko ang tamang 3 numero ng huling bola ng 6/45 Lotto. Nanalo ako ng 40 pesos aba hindi pala 30 pesos lang kasi 10 pesos ang taya. Malapit na siguro akong maging milyonaryo.

OFW din po ako dati napadpad sa Saudi noong 1985-86 panahon ito ng EDSA revolution. Pinapanood namin ang nangyayari sa Pilipinas sa office namin. Yung mga Egyptians na kasama namin sa office ang taga translate namin from Arabic to English. So eto ang one of the biggest historical moments in Philippine history na absent sa aming mga hinagap, kaming mga nasa abroad nang mangyari ito. Pagbalik namin sa Pilipinas si Cory Aquino na ang Presidente.

Kami yung mga inabot ng martial law habang nasa kolehiyo kaya naranasan namin ang pinakamahirap ngunit pinakamakulay na yugto ng aming buhay. Ang pasukan at labasan ng building ay may mga security guard at hindi ka pwedeng pumasok kung wala kang ID. Kung sakay ka sa bus, may sumasampang security guard para tingnan kung sino ang mga nakasakay sa bus. Ang pinaka exciting na oras ay pag malapit na ang 12 midnight, oras na ng curfew kaya kanya-kanya nang pagmamadali at  kinabukasan na lang magkaka alaman kung paano nakauwi.

May office mate ako dati nahuli sa curfew e mahaba pa naman ang buhok niya kaya ginupitan siya sa loob ng Camp Crame. Mula noon ay may cap na lagi siya pag pumapasok sa office. Siguro dahil sa hindi nahahanginan ang ulo niya tuluyan na rin siyang nakalbo. Uso pa rin noon ang mahabang buhok kaya nagpagawa siya ng peluka na ewan ko made to otder yata kasi mahaba ang pelukang ginagamit niya.

Anyway, marami na ang nangyari since then and madami na rin ang mga pagbabagong naisakatuparan ng gubyerno. Ibang-iba na ang panlabas na kaanyuan ng Pilipinas compared to 30 or 40 years ago. Halos ay simentado na ang mga kalsada. Ang dami nang nagsulputan na mga condominium buildings sa buong Metro Manila. Dati-rati bibilang ka ng mahigit 10 taon bago ka magkaroon ng telepono. Ngayon everybody it seems is using a cell phone. Ang landline phones ginagamit na lang pang Internet.

Kung ikaw ay nasa malayo naghihintay ang bayan mo sa iyong pagbablik. Pahirap nang pahirap ang buhay. Pero ito ay isang magandang addition sa inyong bucket list. Na bago kayo pumanaw ay makabalik sa iyong lugar na pinagmulan. Kahit saglit lang masusulit ang pagdalaw mo. Basta huwag lang kalimutan na magdala ng pera, kami ang bahala sa iyo. Sabi ng isang sawikaing Pilipino, ang hindi lumingon sa pinanggalingan, kung matinik ay malalim.



Iniaalok na Produkto at Serbisyo - Hanapin sa Google