Mga Lathalain

Maraming mga bagay at pangyayari ang nakakapag-isa sa mga third world na bansa lalo na sa mga naging kolonya noon ng mga taga-Europa. Ilang dagat man ang namamagitan sa mga ito o ilang linguage pa man ang nagpapaiba sa kanila, may malalim pa rin ugat na nagsasama sa mga kultura at bansang ito. Kailan lamang ay tumigil uli ang Mexico at Pilipinas upang saksihan ang laban ng kanilang mga kababayan. Ang pagdating rin ng Semana Santa ang simula ng pag-uwi at pagbiyahe ng mga tao upang idaraos ang mahabang bakasyon sa piling ng kanilang mga minamahal. Ilang piesta uli at handaan ang idudulot nito sa kanikanilang mga komyunidad. Tumanda man tayo at magkaroon ng sarisairling buhay, bumabalik at bumabalik pa rin tayo sa pinaka-unang institusyong nakikilala natin -- ang pamilya.

 

Sa paglipas rin ng panahon, hindi pa rin nawawala ang mga paniniwala na nagumpisa pa sa mga ninuno nating katutubo at patuloy rin ang papapahalaga sa mga ito maski may mga moderno ng teknolohiya't pasilidad.

 

Iba ang karanasan at buhay na makikita sa third world. Tara't silipin ang dimensiyong ito sa mata ng ilang mga manunulat.

We Are Family

(I Got All My Cousins With Me)

ni Kaye Robles

Tatlo kaming magkapatid sa aking pamilya at ako ang panganay. Maraming nagsasabi na ito ay isang biyaya ngunit marami rin ang nagsasabi na ito ay isang sumpa. Para sa akin, depende nalang kung kelan ako tatanungin. Sa mga araw na ako ay nakakabalik sa aking kabataan sa pamamagitan ng paglalaro kasama ng aking bunsong kapatid, mga pagkakataong nanonood kami ng ikalawa kong kapatid ng pagganap ng Dulaang Sibol sa Ateneo...

 

Waiting Shed

ni Aiken Serzo

Nandirito na naman ako sa silungang ito. Napunta ang landas ko sa di na mabilang mga gusaling bumalot na sa mga bundok habang ako'y nagaabang sa mapapadaang jeep pababa ng sentro. Dito sa pamilyar na waiting shed din kami naghihintay ng jeepney o FX sa malamig at mahamog na umaga ng Baguio noon kasama ang aking mga kababata at pinsan. Naging saksi na rin ito sa maraming tagpuan, kwentuhan at hiwalayan. Siguro, ang mga marka't sira na makikita sa mga upuan at poste ng liliman ay tanda na rin ng panahong...

 

Santa Claus

ni Kris Olanday

Malamig ang simoy ng hangin, kumukutitap ang gabi, at higit sa lahat talamak ang sale sa mga mall. Pasko na! Kalimitan, sa ganitong paraan inilalarawan ang umpisa ng pasko, subalit sa aking pamilya ang amoy ng alikabok at lumang palamuti ang siyang senyales na paparating na ang araw ng pasko.

Nariyan na at naamoy ko na ang alikabok na kumakalat sa buong bahay ng aking lolo’t lola. May di-maipaliwanag na tuwa at pagkasabik na nabubuo sa aking kalooban. Ibig sabihin...

 

 

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue

ni Estelle Gulfin

Kung may isang palatandaan na nagpapakita ng talino sa paglikha, kahusayan sa pamamahala sa paggawa at karunungan sa pagsasaka pinatutunayang ito ng hagdan-hagdang palayan ng Banaue.

Nagkaroon ako ng pagkakataon dumalaw sa pook na ito noong nakaraang taon. Ganoon na lamang ang aking pagkamangha sa aking nakita. Subalit unti-unting naglaho ito sa matagal... 

 

 Ang Napakong Lungsod

ni Robin Lee

Mahalaga ang pagpapaplano ng mga pamayanan sa tamang paraan. Ginagawa ito ng pamahalaan upang magkaroon ng maayos, malinis, at maunlad na kapaligran. Maraming mga proseso ang dinadaanan upang wasto ang paggamit sa lupa kapag itinatayo na ang mga bahay, mga gusali, mga kalsada, at marami pang iba. Dagdag pa rito, maraming mga sistema at mga paraan upang epektibo ang pagpapaplano pamayanan. Tinitignan ng mga maraming mga taong propesiyunal sa pagplaplano ng mga...

 

 Maduming Sorbetes

ni Mayenne Sebial 

Kung pag-aaralan ang isang mapa, makikita na nakapuwesto ang Pilipinas malapit sa ekwador. Ibig sabihin, mas malakas ang sikat ng araw sa bansa. Tag-araw at tag-ulan lamang ang klimang nararanasan ng mga mamayanan ng Pilipinas; Hindi katulad sa klimang nararanasan ng mga tao mula sa mga bansang malalayo sa ekwador (katulad ng Estados Unidos) na may taglamig, tagsibol, tag-init at taglagas. Nakararanas lamang ng matinding lamig ang mga Pilipino sa mga panahon ng tag-ulan at sa mga mabundok o mataas na lugar, katulad ng Baguio at Tagaytay. Walang laban ang lamig na ito sa kalamigan ng mga bansang malayo

 


Edukasyon sa Gitna ng Globalisasyon

ni Aiken Serzo

Nakilala si Mark Twain sa larangan ng literatura dahil sa kanyang mga nobela tulad ng Huckleberry Finn na isa sa mga mahahalagang librong bumuo sa literatura ng Amerika. Pero higit pa sa kanyang mga nasulat, kilala din siya sa pahayag niyang "I've never let my schooling interfere with my education."

Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Mark Twain. Kung tutuusin, lumaki pa siya isang komyunidad kung saan kaliwa't kanan...

 

Natatanging Ina

ni Kaye Robles

Maraming nagsasabi na madalas gayahin ng sining ang mga pangyayaring nakikita sa totoong buhay. Dahil dito, hindi kakaiba ang paggamit ng pelikula upang magpahiwatig ng importanteng mensahe sa mga manonood. Mas nangyayari ito sa mga seryosong Independent o Indie films. Ngunit, noong 2003, lumabas ang pelikulang "Ang Tanging Ina", na nagbigay ng mga mahalagang mensahe sa mga nanonood...

 

Jitney: Bunga ng Talino

ni Estelle Gulfin

Bunga ng katalinuhan ng mga Pilipino sa paglikha ang mga jitney. Labi ito ng mga sasakyang dala ng mga Amerikano noong panahong tinubos ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Iilan lamang ang maaaring sumakay sa mga sinaunang jitney, mga anim na pasahero lamang ang maaaring isakay noon. Subalit sa mga pagbabagong ginawa ng mga mapamaraang Pilipino, malaking pagkakaiba ang naganap. Nababanggit...

 

Tsinelas

ni Kris Olanday

Makukulay, iba’t ibang disenyo at nakakatawag-pansin ang mga tsinelas na ibinebenta sa mga mall. Halimbawa na ang Havaianas, humigit kumulang isang libo ang isa. Sosyal ‘di ba? Kung wala ka niyan,wala ka sa uso.

Lahat naman ay nag-umpisa sa pagyayapak subalit sa paglipas ng panahon nakita na mga tao ang pangngailangan ng pansapin sa paa bilang proteksyon. Dito na nga nabuo ang tsinelas, sandalyas, at mga sapatos...

 

Sino. Ano. Saan. Laro.

ni Mayenne Sebial

Hindi kailanman nawala ang mga sports sa kasaysayan ng tao. Ang pinakaunang paligsahan na naitala’y isang 200 metrong takbuhan noong 776 B.C. Chariot races at disc throwing naman ay ilan sa madaming sports na nilaro ng mga Griyego at Roman nung unang panahon. Para sa kanila, dapat galangin at purihin ang mga matatagumpay na atleta. Sa haba ng panahon, madaming pang ibang sports ang nalikha at umunlad. Sa kasalukuyan higit sa 100 sports ang nilalaro sa mundo. Ano ba ang sports?

Home

Lathalain

Editoryal

Entablado

Contact