Ayokong matrauma at lumaki sa takot ang mga anak ko . . .
Ayokong magawa sa kanila ang nagawa sakin ng nanay. . .
Ayokong maging katulad ng nanay ko, hindi naman ako ganun klaseng tao diba?
Ayoko na ang matandaan nila sakin ay yung mga galit at palo ko. Ayoko na ang matatandaan nila ay yung mga masasakit kong salita. Lalo na't nagbabalak ako mag-abroad.
Natrauma at natakot lang ako sa nanay ko, at dahil dun napalayo lang ako sa kanya.