Nandyan na ang bagong opportunidad, may bagong pintong bumukas. Inalok ako ng kaibigan kong magtrabaho sa abroad. Ang suweldo ko dun, isang buwan pambuong taon na ng bunso ko. Tapos kapag nakapag-ipon, kayang kaya na din bayaran ang pang-college ni Sally. Mas giginhawa ang buhay namin.
Pero andami din palang kailang, visa, passport, ID, litrato, barangay clearance, NBI clearance, birth certificate, marriage certificate. Tapos sa loob ng isang buwan?
Tapos,
Paano na ang mga anak ko? Ayokong mapalayo sa kanila. Hindi na nga kami malapit ni Rosalie eh. Tapos si Ton-Ton, kailangan ako ni Ton-Ton