Ohhh ayan. Kauuwi nga lang. Di pa umuwi nung tanghali tong batang to.
"Anak, pa masahe nga muna"
"Paabot na din nung folder na yun"
"Napakadami namang aasikasuhin. Di pa nagsisimula araw ko pagod na pagod na agad ako. Paano ba naman kasi ako na naglipit, ako na nagluto."
"Ohh eto na nandito na ko oh."
"Sa susunod naman kasi, kapag may usapang umuwi ka ng tanghalian, umuwi at tumulong ka naman."
"Asan ang kapatid mo?"
"Nasa tropa ko po"
"Hala ba't siya nandun, paano yung baon niya. Nandito yun sa bag mo."
.
.
.
"Ano to?"
Hays pinakielaman pa nga yung gamit ko.
"Costume ko po yan, para sa competition"
"Dance ba talaga o oratorical?"
"Ikaw ha . . . buti may oras ka pa para mag-aral"
"Wag mo sinasayang yung oras mo sa sayaw na yan . . ."
"Ibis na tumulong ka sa bahay yan inaatupag mo!"
"Inaatupag? Alam mo ba yung ginagawa namin? Di niyo naman ako naiintindihan."
"EH AKO? Ano? Ako na lang ba lahat dito sa bahay?"
"Yan problema sayo eh! Sarili mo lang iniisip mo.!Minsan simpleng utos lang hindi mo magawa. Bibili lang ng dagdag rekado, wala! Papaptahi lang ng isang uniporme wala! Bantayan mo kapatid mo, wala!"
"Di ka mautusan, di ka maasahan!"
"NAKIKINIG KA BA! KINAKAUSAP KITA!"
"BAKIT AKO?!"
"Sally naman! Todo kayod namin ng Tatay mo para sayo! tumulong ka naman!"
"Kung di kami nagpupursigi, di ka makakapasok, di ka makakacellphone, di ka makakagimik"
"Para namang nagagwa ko yun, di naman talaga kayo napayag!"
"Eh papaano?! Ang gusto mo kasi puro saya, walang responsibilidad!"
"Yung kapatid mo kung saan-saan mo iniiwan"
"Ma lahat ba ng to dahil lang sa dance competition"
"Kung si tatay to papayag siya. Kung alam lang niya!"