pumunta ang mga kaibigan ni Rosalie para ibalita na nanalo sila
"Panalo si Ate!"
"Nanalo saan?"
"Panalo pero di naman ako nakasali . . ."
"Teka, bakit?"
"Sally ano bang balak mo sa bakasyon, naisip ko sana baka ikaw muna magbenta habang wala ako."
". . . bahala kayo"
"Ano bang problema, kinakausap ka na ng maayos diba?"
"Hoy ano ba yan"
"di lang ako nakauwi sa oras pinigilan niyo na ko sa mga gusto ko"
"Pinabayaan mo kasi si Ton-Ton"
"Parang sinadya ko naman yun"
"Hindi naman kita pinipigilan sa gusto mo, kaso ilang beses ka na di tumutupad sa usapan. Hindi mo ginagwa yung responsibilidad mo dito at sa kapatid mo"
"Ayun naman pala eh"
"Sinusubukan ko naman pero kung mag-utos kasi kayo nakaplano na ako"
"Bat ka magplaplano ng di nagpapaalam"
"Lahat na lang ba dapat sabihin ko pa, bakit kayo ba nung nag-ayos kayo ng papeles papuntang Barcelona, nagpaalam ka?"
"Aba, sumosobra ka na ah,"
"Gusto ko lang naman kayo mabigyan ng magandang buhay"
"Teka teka, nagsimula lang naman to sa sayaw, wag na natin palakihin ang problema."
"Dapat kasi mas tutok ka sa mga anak mo."
"Eh bat di ikaw?"
"Alam mo namang may trabaho ako"
"Ako din naman? Nagbibilangan ba tayo dito? Ikaw naman kaya magalit para maiba naman, naging tatay ka pa. Akala ko ba naman magkasama tayo dito."
"Ikaw kaya dito yung laging wala, mas nakakapag-usap pa nga kami neto ni Rosalie"
"Ahh talaga ba, eh bat di mo alam na sasali yan sa dance contest?"
"Ngayon lang."
"Edi sige, ako na naman ang masama, pagtulungan niyo na naman ako! Pagkampihan niyo ko!"