The Link, ika-8 ng Mayo, 2025
Ni Michael Kenneth G. Bustamante
Ang Student Government ng Paaralang Lourdes ng Mandaluyong ay nagdaos ng isang welcoming program para sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan.
Ginanap ito sa Bulwagang Albacina noong ika-6 ng Agosto, 2024—ang unang araw ng face-to-face classes.
Unang sumalang sa programa ang mag-aaral mula sa ika-7 hanggang ika-9 na baitang. Nagsimula ito sa ganap na 11:20 ng umaga hanggang 1:15 ng hapon. Sumunod ang ika-10 hanggang ika-12 baitang mula 1:15 hanggang 3:45 ng hapon.
Pinangunahan nina Ginoong Brent Yojan Lee Claudio at Dwight Austin Ayala ang programang nagbigay-diin sa naging simula ng ika-65 anibersaryo ng paaralan o ang “Blue Sapphire Anniversary.” Nagsimula sa masiglang pagtitipon ang taong pampanuruan.