Liham Pakikiramay
ni Monique Milla
ni Monique Milla
Ang emosyon natin ngayon ang lubhang nasa ligid ng pagkabalisa,
pagkaramdam ng dismaya sa gobyerno at sa kapwa.
Simpleng pag-suot ng facemask ay di nagawa, ang nakakahawang virus ay di alintana.
Isang maling galaw, huling sayaw, Huling sandali ay makikita
Tagilid na naman tayo at nangunguna sa sakit a bagong kaso.
Isang bansang naghihirap paano na kaya tayo?
Kulang!!!!!
Sumigaw ang mga tao sa impiyerno
Sumalangit nawa ang kaluluwa na kinuha mo’
Bakit ka nagkakalat ng dumi
Anong maaani mo sa bansang ang naghihirap ay marami?
Nakikilala sa mundo bilang sakit na wala pang lunas,
anupat katulad ng kahirapan - may lapat sa lipunan at mahirap makaiwas.
Gutom at paglunok nang laway ng karamihan
Pagtitiis ng ilang buwan na tila ba ay walang hangganan
Dumaraming mga kaso ang sistema ba ang may pagkukulang
Berdugong kalabang hindi nakikita, Umaakit ng pagkalugmok at pagdurusa
BABANGON!
Kahit kami ay iyong pinadapa
Mga mababang pamumuhay lalong hinukay ang lupa
Gutom, sakit kawalan ng kabuhayan at buhay ang iyong ginagawa
Saan pa man naniniwala tayo na ang Diyos ay may awa.
KONTING TIIS PA!
Okay lang ngayon kung di ka pa masaya, buong mundo ba naman ang tamaan ng trahedya
Bansang may tatlong bituin, asahan mo ang iyong pagbangon ay matatamasa
Sa huli-hulihan mas pahalagahan pa natin ang ating bawat sandali at paghinga
Oh Diyos na wa’y sa susunod ang kukunin mo lamang ay ang aming pagdurusa