Boto mo, Ingatan mo!
ni J C Poblete
Hindi natin maitatatwa
Marami sa atin ito’y binabalewala
Ipinagpapalit boto para sa salapi
Kaya’t sa huli, laging naaapi
Sa tuwing ito’y nalalapit
Matatamis na wika ang kanilang sinasambit
Mga pulitikong puro pangako
Ngunit lagi namang napapako
Nawa’y sa ‘ting pagboto
Siyasating mabuti ang tatakbo
Huwag lamang tignan ang kanilang popularidad
Bagkus ang kanilang integridad
Lahat tayo’y may kapangyarihan
Magluklok ng susunod na mamumuno
Kaya’t ating itong ingatan
Para ‘di mapunta sa maling tao