Maraming beses na ang puso’y nasaktan

Dahil sa maling taong naibigan

Hindi ko alam kung ano ang kakulangan

Kaya tunay na pag-ibig ay di masumpungan


Nagmamahal dahil ito’y kagustuhan

Ngunit binalewala ng hindi inaasahan

Pag-ibig ay sadyang mapaglaro

Kaya mga may pusong bato ay di dapat matamo


Ngunit lahat ng kalungkutan

Napapawi dahil sa mga natututunan

Huwag hanapin ang kaligayahan sa iba

Bagkus sarili ay bigyan ng halaga


Kaya’t ang puso’y wag magmamadali

Sa mga bagay na ikawiwili

Mas mainam ng maghintay

Ng tunay at hindi ka iiwan