Malasakit sa kabila ng Pasakit
ni J C Poblete
ni J C Poblete
Sa panahong kasalukuyan
Tila naglipana ang usaping pangkaisipan
Sumasalamin sa’ting nararanasan
Ngunit hindi naman lahat ay may kaalaman
Wala sa edad, kasarian, o pinanggalingan
Upang ito’y ating masumpungan
Dahil ang lahat ay pwedeng matamaan
Ng ganitong sakit at karamdaman
Karamihan ito’y pinagsasawalang bahala
Dahil walang dunong sa dala nitong banta
Sa kasalukuyan nga marami ng kaso ang naitatala
Kaya’t ating pagtulong-tulungan na ito’y mailathala
Pagkabalisa, pagkabahala, at depresyon
Higit na nagiging dalahin ng bagong henerasyon
Patuloy na kumakalat at nagiging pasakit
Kaya’t ating ipakita sa bawat isa ang ating malakasit
Kaya’t sa buwan na atin itong idinadaos
Nawa’y bawat isa ay huwag mapapaos
Makibahagi, makiaalam, at maging sandigan
Sa mga taong ito’y kinakaylangan