KULANG SA PANSIN
ni Reyen Kim C. Calinawan
ni Reyen Kim C. Calinawan
Kulang sa pansin, papansin.
Ilan lamang sa mga banyag,
ng aking mga kamag-aral,
noong ako pa ay nasa Elementarya.
Anim na taong gulang, payat, kulot,
Masyadong malikot,
Madalas paikot-ikot.
Iilang mga katagang sa akin ay tumatak,
Ma, Pa, sa’kin ba’y may mali?
Palagi akong hindi mapakali sa aking kinauupuan,
Madalas ‘kong likutin at daldalin ang aking mga kamag-aral.
Mayroong isang beses, ako’y kinagalitan.
Masyado na raw kasi siyang nalilikutan.
Ano ba ang aking hindi maintindihan?
Sa akin ba’y may mali? Nakakubling karamadaman,
Na kahit aking mga magulang,
Hindi noon mawari?
Ah, ADHD. Ano ‘yon?
Ah, isang kritikal na kondisyon,
Na kadalasang batang edad anim hanggang labindalwa,
Ang tinatamaan.
Kawalan ng pokus, kulang sa atensyon,
Madalas ako’y konsumisyon,
Na dala ng aking kondisyon.
Hindi kami baliw,
Hindi kami papansin.
Kami lang ay naturingang bata.
Batang may kapansanan,