Hinga
ni Roni Mae Serrano
ni Roni Mae Serrano
Sa kasagsagan ng bagyong bumabagabag sa
puso’t isipan mo, piliin mong sumubok muli.
Sa pagtitiis sa kaguluhan ng mundong
ginagalawan, piliin mong huminto at huminga.
Sa kabila ng pait na dinaranas na kailanman
hindi makikita ng sinuman, piliin mong ilabas sa
pamamagitan ng pag – luha.
Sa paglipas ng mga araw na tila wala ka nang
maramdaman, piliin mong magpahinga.
Sa paggising sa umaga na hindi mo na alam ang
iyong halaga, piliin mong paalalahanan ang sarili mo.
Sa mga panahong araw-araw mong pinipili ang
iba, piliin mo muna ang sarili mo.