Joe Marie H. Aquino, PINTIG EZF
Binigyang daan ng E. Zobel Foundation, Inc. katugon ang iba’t ibang paaralan ng Calatagan Institute, Our Lady of Carmel School at Colegio de Sto. Domingo de Silos ang unang produksyon ng live na teatro sa Calatagan, Batangas katuwang ang HIRAYA Theater Production.
"SinaDasal" na kinatha ni Direk Rommel Chaps, kinatha't binigyang buhay ng HIRAYA Theater Productions noong, ika-23 ng Nobyembre, taong 2023 sa Gulod Covered Court, Gulod, Calatagan, Batangas. Naging matagumpay ang nasabing kaganapan sa tulong ng CAPSA Organization na pinamumunuan ni Dr. Henry Leen A. Magahis, Principal ng E. Zobel Foundation, Inc. Senior High School. Hindi maitatatwa ang kahanga-hangang husay ng bawat tauhan sa pag-arte, pag-awit, maging sa pagsayaw. Tunay ngang tumatak sa bawat manonood ang bawat kaganapan maging ang mensaheng nais iparating ng dula na humaplos sa puso ng mga manonood na nagdulot ng kasiyahan, maging ng kalungkutan dulot ng mga makabagbag damdaming ganap sa nasabing dula.