PANGKALAHATANG GABAY
Sa mga nagdaang taon ng Sci-MAth, nakatuon ang mga gawain sa pagtataya sa kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paksa at usapin tungkol sa agham at matematika. Sa pagkakataon na ito, nais sukatin ng patimpalak ng Spoken Word Poetry ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paglalapat ng mga kaalaman at pag-unawa na ito sa sining ng pagtula at pagtatanghal. Layon nito na mabakas sa mga akda ng mga mag-aaral ang hinaing, pangarap, at nasa
Ang patimpalak na ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral sa Junior High School mula sa pampribado at pampublikong paaralan.
Tanging ang unang dalawampung (20) kalahok lamang na makakakumpleto at makakapagpasa ng mga kahingian sa pagpapatala ang tatanggapin sa nasabing patimpalak. Makatatanggap ng kumpirmasyon sa email ang mga paaralang opisyal na magiging kalahok.
Kailangang maipasa sa google drive na ito ang lahok ng bawat paaralan (sa o bago ang ika 11:00 ng gabi, Marso 6, 2023)
Narito ang kinakailangang file name ng ipapasang kopya.
Spoken_PamagatNgPiyesa_PangalanNgPaaralan
Ang pamantayan sa pagmamarka ay ang mga sumusunod:
Organisasyon - 30%
Pagbigkas at Pagtatanghal - 30%
Paggamit ng Wika - 20%
Nilalaman - 20%
Ang mga kalahok na pasok sa Top 3 ay makatatanggap ng mga sumusunod:
PANUNTUNANG TEKNIKAL
Orihinal na katha ng mga kalahok ang piyesang itatanghal.
Kailangang nakaayon at tumutugon sa tema (Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan) ang piyesa ng bawat kalahok.
Ang kabuuang pagtatanghal ng piyesa ay hindi dapat bababa ng dalawang (2) minuto at hindi lalampas ng apat (4) na minuto.
Kailangang saulado ng mga kalahok ang kanilang piyesa. Hindi pinahihintulutuan ang paggamit ng kopya, cue card at/o teleprompter.
Ang mga kalahok ay dapat pormal ang kasuotan at walang suot na may anumang pagkakakilanlan ng paaralan.
Buong katawan ang dapat kita sa magiging recording ng pagtatanghal.
Recorded na kopya (raw file ng recording-hindi pinahihintulutan ang paggamit ng visual at sound effects) ng pagtatanghal ang ipapasa at kinakailangang gumagana at nasa alinman sa mga sumusunod na format: MP4, MOV, WMV, AVI.
Sa kada 15 segundong kulang o sobra sa oras ay may kaakibat na isang puntos na bawas sa pinal na marka.