Early Registration for S.Y. 2024 - 2025

On-site Face to face Enrollment

News and Updates

๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜†, ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜†, ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด โ€˜๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜€โ€™ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž ๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฎย 

Pebrero 02, 2023 โ€“ Ang pagpapaunlad ng programa sa literacy at numeracy at pagsasama ng โ€˜peace competenciesโ€™ ang ilan sa mga priyoridad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pagsasaayos ng K to 12 curriculum upang lumikha ng handa sa trabaho, aktibo at responsableng mamamayan.


Binigyang-diin ni Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte na pauunlarin ng Kagawaran ang mga programa nito sa Reading, Science and Technology, at Math bilang bahagi ng agenda na MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa.


โ€œWe will revise the K to 12 Curriculum to make them more responsive to our aspiration as a nation, to develop lifelong learners who are imbued with 21st-century skills, discipline, and patriotism,โ€ ayon kay Pangalawang Pangulo at Kalihim Duterte.


โ€œWe will reduce the number of learning areas in K to 3 from 7 to 5 to focus on foundational skills in literacy and numeracy in the early grades, particularly among disadvantaged students,โ€ dagdag ni VP-Sec. Duterte.


Binanggit din ni Duterte ang pagsasama ng kultura ng kapayapaan sa kurikulum, na magiging mahalaga sa pagsisigurong mangunguna ang mga mag-aaral sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na may giyera.


โ€œWe will integrate โ€œpeace competenciesโ€ such as social awareness, responsibility, care for the environment, value for diversity, self-esteem, positive character, resilience, and human security into the various learning areas of the K to 12 Curriculum,โ€ ayon kay VP-Sec. Duterte.


Ibinahagi rin ng kasalukuyang Puno ng Edukasyon na isinasapinal na ng DepEd ang pagsusuri sa K to 10 curriculum habang kasalukuyang sinusuri naman ang Senior High School curriculum.


Nilalayon din ng DepEd na paunlarin ang kaalaman sa Ingles habang kinikilala ang linguistikong pagkakaiba-iba sa pamamagitan ng pagsusuri sa pagpapatupad ng Mother Tongue-based Multilingual Education Policy.


Sinabi rin ni VP-Sec. Duterte na babawasan ng ahensiya ang bilang ng learning areas upang mapagtuonan ang foundational skills at pagpapaigting ng values formation ng mga mag-aaral sa kurikulum at pagtuturo.


Magiging bukas din ang Kagawaran sa mga gabay sa kurikulum at iskor sa mga pagsusulit, at ibabahagi ang items sa pagsusulit sa mga paaralan at guro upang patatagin ang paggamit ng assessment.


Dagdag pa rito, makikipag-ugnayan din ang Kagawaran sa Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority at mga katuwang sa industriya upang tugunan ang hindi pagkakatugma ng mga kakayahan ng Senior High School graduates.


[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/.../deped-to-strengthen.../]ย