Kasunduan ng Mag-aaral, Magulang at Paaralan

KASUNDUAN NG MAG-AARAL, MAGULANG AT PAARALAN



Kami, sina ___________________________________________________________________

Magulang


at _________________________________________________________________ ay matapat

Mag-aaral


na nangangako na susundin ang mga nakasaad na patakaran ng Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay.


  1. Pagsusuot ng Tamang Uniporme:

Lahat ng mag-aaral ay dapat na magsut ng itinakdang uniporme ng paaralan. Ito at mahigpit na ipinatutupad.


  1. Gupit/ayos ng buhok at kaayusan ng sarili:

a. Sa lalaki

Ang gupit ay 3" x 4". Bawal ang labis pag lalagay ng gel, ayos na spike o nagtutulisang buhok

b. Sa Babae

Nakatali o nakapusod ang mahabang buhok.

c. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkulay ng buhok (lalaki/babae)

d. Bawal ang pagsusuot ng hikaw, isa o higit pa sa mga lalaki.

e. Ang mga babae ay hindi dapat maghikaw ng malalaki, dangling o may matitingkad na kulay.

f. Bawal ang make-up.


  1. Pagkakakilanlan:

a. Lahat ng mag-aaral ay kailangang magsuot ng ID sa loob ng paaralan.

b. Ipinatutupad ang "No ID, No Entry Policy".

c. Ang mga paglabag sa pagsusuot ng ID ay may kaparusahang:

Unang paglabag - Pagkumpiska ng ID

Ikalawang paglabag - Paglalagay ng "On Probation Period"

Ikatlong paglabag - Pagsuspinde

d. Hindi dapat ipahiram ang ID sa ibang mag-aaral lalo na sa taga-ibang paaralan.

e. Hindi dapat lagyan ng sticker o dekorasyon ang ID.


  1. Attendance:

a. Ang may klase ng ika 7:00 n.u. ay dapat nasa paaralan ng ika-6:30 n.u.

b. Bawat mag-aaral ay dapat pumasok araw-araw.

c. Pagliban

  • Isa - dalawang pagliban/cutting classes - kailangan ang sulat at ID ng magulang.

  • Tatlo o higit na pagliban/cutting classes - kailangang kasama ang magulang sa paaralan upang makausap ang guro

  • Pagliban ng mahigit sa limang araw na sunod-sunod na walang mabigat na kadahilanan ay papatawan ng:

-Suspensyon ng paaralan

-Kusang pag-aalis ng magulang sa paaralan

  • Pagpasok ng huli - tatlong araw na sunod-sunod, kailangang dalhin ang magulang sa paaaralan.


  1. Pagbisita ng Magulang sa Paaralan:

a. Dumaan muna sa Guidance Office/Curriculum Chairman bago kausapin ang guro ng mag-aaral.


  1. Pag-uugali ng Mag-aaral:

a. Dapat igalang ang pamunuan ng paaralan, mga guro, janitor, gwardiya at kapwa mag-aaral.

b. Ang pagmumura kahit kaninuman ay ipinagbabawal gayundin ang pagsagot ng walang galang sa mga guro, pamunuan ng paaralan, janitor o gwardiya ng paaralan.

c. Bawal maghabulan sa hagdanan, pasilyo, corridor at maging sa silid-aralan.


  1. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:

a. Pagtatatag/pagsali sa anumang fraternities (DECS Order No. 20 s. 1991), lalaki man o babae. Ang paglabag dito ay nangangahulugan ng pagkatiwalag sa paaralan.

b. Pagdadala ng anumang bagay na matatalas at matutulis tulad ng patalim, pana, kutsilyo, ice pick, blade, at iba pa na makasasakit, makasusugat at makapipinsala sa kapwa.

c. Pagdadala ng paputok o mga kauri nito.

d. Pababandalismo o pagsusulat sa mga dingding, lamesa o upuan sa mga pasilyo at paninira ng mga gamit ng paaralan. Ang mahuhuli ay siyang maglilinis o magpipintura at magpapagawa ng mga nasirang gamit. Maaaring maalis sa paaralan, depende sa lubha o bigat ng pagbabandalismo o paninira.

e. Pagdadala, panghihikayat, pamimilit o pagbebenta ng anumang inuming nakalalasing tulad ng alak, ipinagbabawal na gamot at sigarilyo.

f. Pagdadala ng malalaswang larawan, text messages o graphics sa cellphone.

g. Pangingikil, pananakot at pakikipag-away sa kapwa mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.

h. Pagkuha ng gamit o pera na hindi kanya lalo na ang shoplifting sa mga malls.

i. Pagsusugal o paglalaro ng mga baraha sa loob ng paaralan o anumang laro na ginagamitan ng pustahan o pera.

j. Pagta-tattoo sa anumang bahagi ng katawan.

k. Paglalaro sa mga play station/pagpunta sa computer shop kung may klase pa.

l. Pagdadala ng cellphone sa paaralan.

m. Paglabas ng paaralan na hindi pa tapos ang klase (ayon sa schedule ng mag-aaral) lalo't gagamitin ang bakod o bintana sa paglabas at pagpunta kung saan-saan.

n. Pagsasama ng kabarkadang taga-ibang paaralan o hindi nag-aaral na kaibigan.


Ako bilang magulang ay may katungkulan na subaybayan ang aking anak sa kanyang pag-aaral. Katungkulan kong makipagtulungan sa paaralang kanyang kinabibilangan upang maipalagay sa ayos ang aking anak.

Nangangako ako na papaging darating sa paaralan sa panahong ako'y ipatawag ng gurong tagapayo o ng Guidance Office. Dadalo rin ako sa mga pulong na idaraos ng paaralan.

Katungkulan kong kunin ang Card ng aking anak at tuwina'y alamin ang kanyang kalagayan bilang mag-aaral.

Ang paglabag ng aking anak sa kasunduan/patakaran ng paaralan at ang pagbibigay rito ng kaukulang aksyon o parusa ay buong puso kong tatanggapin kung mapatutunayan na siya ay nakasakit, nakasama o nakaperwisyo sa kapwa at sa paaralan. Ako, bilang magulang ay kusang loob na mag-aalis sa kanya sa paaralang ito.

Bilang pagsang-ayon sa mga nakasaad na kasunduang ito, ako at ang aking anak na si _____________________________ ay kapwa lalagda sa kasunduang ito.


_________________________

Lagda ng Mag-aaral


_________________________

Lagda ng Magulang


_________________________

Lagda ng Tagapayo