Hulyo 19, 2021 – Upang masiguro ang pagpapatuloy ng pagpapabuti at pagsasa-ayos ng pasilidad sa mga paaralan sa gitna ng krisis sa kalusugan, naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng regulasyon sa paggamit ng mga paaralan bilang isolation areas upang bigyan-daan ang mga proyekto sa imprastraktura.
“The pandemic did not hamper our mission to provide conducive and motivating facilities. Our infrastructure projects remain a priority to help our stakeholders, especially teachers, to have a comfortable place to work in,” ani Kalihim ng DepEd Leonor Magtolis Briones.
Sa isang memorandum na ipinadala sa mga opisyal at mga puno ng paaralan, ipinag-utos ng Kagawaran sa mga paaralan na direktang magkakaroon ng mga proyekto sa imprastraktura na maayos at magalang na tumanggi sa hiling na gamitin ang paaaralan nila bilang mga isolation facilities.
Subalit, kung ang mga paaralang mayroong mga proyektong pang-imprastraktura ay kasalukuyang ginagamit bilang isolation area, dalawang paraan ang maaaring gawin.
Una, kung ang paaralan ay may sapat na laki upang hatiin ang isolation area at ang lugar ng konstruksyon, ang paaralan ay maaari pang tumanggap ng request para sa isolation facility sa kondisyon na mayroong mga barrier na ilalagay sa mga lugar.
Pangalawa, kung ang paaralan ay limitado lamang ang lugar para magsilbi bilang isolation facility at para sa konstruksyon ng mga gusali ng paaralan, dapat makipag-ugnayan ito sa lokal na pamahaalaan (LGU) at hilingin ang agarang paglipat ng isolation facility sa malapit na paaralan na wala pang konstruksyon ng mga proyekto sa imprastraktura.
“The Department is one with the national effort to curb the surge of COVID-19 cases and hopefully putting an end to the pandemic. However, we must also ensure that the needs of learners are met including the establishment of adequate, safe, and conducive learning facilities, as mandated,’ pagbabanggit ni Pangalawang Kalihim sa Pangangasiwa at ang Puno ng DepEd Task Force COVID-19 Alain Del B. Pascua.
Inaasahan ng DepEd na ang mga proyekto sa imprastraktura ay magsisimula sa ikatlong quarter ng 2021, na mangangailangang gamitin ang mga lugar ng paaralan para sa konstruksyon o pagkukumpuni ng mga gusali. Samakatuwid, ang mga paaralan ay maaaring gamitin ang dahilan na ito sa pagtanggi sa mga kahilingan.
Dagdag pa rito, sa nakalatag na cash-based budgeting, ang mga proyekto na ito ay kailangang makumpleto bago matapos ang 2021 upang maiwasan na mapaso ang mga pondo.
Kasalukuyang ginagamit ng mga LGU ang mga paaralan bilang isolation facilities at vaccination sites bilang parte ng kooperasyon ng Kagawaran sa ibang mga ahensya ng gobyerno sa mga hakbang na may kinalaman sa mobilisasyon ng mga resources upang labanan ang banta ng COVID-19.
Full article (English): https://www.deped.gov.ph/.../deped-issues-regulations-on.../