Hulyo 16, 2021 – Pinuri ni Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones noong Huwebes ang unang batch ng mga Senior High School (SHS) graduates ng Alternative Learning System (ALS) na programa sa bansa.
“Today, we celebrate not just any graduation but the graduation of the first batch of Alternative Learning System Senior High School under the new ALS K to 12 Basic Education Curriculum. For many out-of-school youth and adults, ALS Senior High School is the completion of non-formal education. For DepEd, it is the fulfillment of its major priority,” ani Briones sa kaniyang mensahe.
Binigyang-diin ng pinuno ng edukasyon ang mga pambihirang pangyayari na kinaharap ng mga nagtapos ng ALS bago at habang may pandemya, at ang kanilang pagtitiyaga na maabot kung nasaan sila ngayon. Pinuri rin niya ang DepEd Region V sa pagharap sa hamon ng pag-pilot ng ALS SHS.
May temang “Sa ALS 2.0, Kalidad ng Edukasyon lalong Patatagin sa Gitna ng Pandemya,” matagumpay na natapos ng DepEd Region V ang pilot na implementasyon ng ALS SHS, na nagsimula noong 2019, sa gitna ng mga pagsubok at mga pangyayari na dala ng pandemya.
“I wish to extend my thanks for not giving up on your schooling, for not losing hope amid the chaos. As pioneer graduates of this hybrid and enhanced ALS curriculum, you have raised the bar of the Alternative Learning System. History will remember you that you are brave, courageous, and determined graduates under a unique and difficult new normal,” banggit ni DepEd Region V Dir. Gilbert Sadsad.
Sa ngalan ng Kalihim, kinumpirma ni Katuwang na Kalihim ng ALS G.H. Ambat ang kabuoang 62 na nagtapos ng ALS SHS mula sa mga pilot schools ng Ligao City National High School sa Division of Ligao City, Nursery High School sa Division of Masbate City, Federico A. Estipona Memorial High School sa Division of Masbate Province, at Tabaco National High School sa Division of Tabaco City.
Tumanggap ang mga nagtapos ng ALS SHS, na karamihan ay mga breadwinners at mga single parents na kinailangang huminto ng pag-aaral upang unahin ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya, ng kanilang mga diploma sa pangunahing edukasyon at mga parangal.
Birtwal na binigay ni Briones ang kanyang mensahe sa mga nagtapos ngunit nagpahayag din siya ng kanyang taos-pusong kagustuhan na pisikal na makadalo sa seremonya “upang kamayan o di kaya’y yakapin” sila “na mahusay ang ginawa.”
Kasama sa birtwal na seremonya ng pagtatapos ay sina ALS Task Force Dir. Marilette Almayda, DepEd Region V ALS Focal Person Ricardo Tejeresas, DepEd Schools Division Superintendents, Curriculum and Learning Management Division chiefs, at DepEd Division Focal Persons of the implementing Divisions.
Sa isang press conference bago ang seremonya ng pagtatapos, binigyang-diin ni Ambat na, “Today is a milestone. Ang Department of Education ay nakapagpa-graduate ng first Senior High School batch sa formal system noong 2018 at bago magtapos ang administrasyon, makakapagpa-graduate kami ng first batch sa Senior High School ALS.”
Ibinahagi rin ni Tejeresas na ang pilot implementation ng ALS SHS sa Bicol Region ay naging posible dahil sa pagkakaroon ng mga pasilidad, mga guro, at kurikulum na nagsisilbi sa mga kakaibang pangangailangan ng mga mag-aaral ng ALS, “school heads with the heart to continue [and] share their facilities, and supportive LGUs [local government units].” Dagdag niya, inaasahan niya na marami pang mga rehiyon ang tutularan ito.
Noong 2019, sa pamamagitan ng DepEd Order 13, series 2019 (Policy Guidelines on the Implementation of Enhanced Alternative Learning System 2.0), ipinag-utos ng DepEd ang pagsama ng SHS level sa programa ng ALS, na katumbas ng Grade 11 at 12 sa pormal na sistema ng edukasyon. Sinisiguro nito na ang lahat ng mga mag-aaral ng ALS ay magkakaroon ng mga kinakailangang kakayahan para sa trabaho, pagnenegosyo, middle-level skills, at edukasyon sa tersiya.
Ito ay lalo pang pinagtibay sa pagpasa ng Republic Act No. 11510 (ALS Act) noong Disyembre 2020, kung saan binibigyang-diin na ang Accreditation and Equivalency (A&E) level na mga passers ay kwalipikado ng mag-enroll sa Junior High School (JHS); A&E Test JHS level na mga passers ay kwalipikado ng mag-enroll sa Senior High School (SHS) o sa mga piling technical vocational education and training programs sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); at A&E Test SHS level na mga passers ay kwalipikado na mag-enroll sa mataas na edukasyon (napapailalim sa mga requirements na ipinatutupad ng higher education institutions), o sa technical vocational education and training programs sa pamamagitan ng TESDA.
Bilang isang programang pamana ng kasalukuyang administrasyon, ang ALS ay parte ng pangako ng DepEd na ang edukasyon ay magpapatuloy para sa mga Pilipinong out-of-school children in special circumstances, youth, and adults (OSCYA) sa gitna ng pandemya ng COVID-19 at sa mga darating na panahon.
Full article (English): https://www.deped.gov.ph/.../deped-makes-history-with.../