Diagyan NHS, tumanggap ng Learning Tablets mula kay DepEd Sec. Sonny Angara, Ms. Tootsy Angara
Diagyan NHS, tumanggap ng Learning Tablets mula kay DepEd Sec. Sonny Angara, Ms. Tootsy Angara
Dilasag, Aurora – Oktubre 23, 2025 — Labis ang pasasalamat ng mga mag-aaral at mga guro ng Diagyan National High School kina DepEd Secretary Sonny Angara, Ms Tootsy Angara, at sa ConnectEd Tech for All by Her Legacy Project Foundation sa sampung Lenovo Tab M8 (learning tablets) na kanilang ipinagkaloob.
Magagamit ng mga mag-aaral ang mga tablet sa kanilang mga aralin. Makatutulong ang mga ito upang mas lalong mapataas ang antas ng kakanyahan ng mga bata pagdating sa ICT.