Ipinakitang muli ng mga mag-aaral mula sa Diagyan National High School ang kanilang husay matapos masungkit nina Christine Jane V. Dayao at Rainiel Q. Panuncio ang ikalawang pwesto sa Senior High School Quiz Bee sa katatapos lamang na Provincial DRRM Contest na ginanap sa Maria Aurora Central School, Agosto 2.
Bagaman hindi pinalad ay buong husay naming ipinakita ng iba pang mag-aaral ng Diagyan NHS ang kanilang galing sa iba’t ibang kategorya. Kabilang sa mga ito sina Laikha Bagawisan at Arriane Joy Noveno para sa Quiz Bee, Anafe San Antonio para sa Essay Writing, at Raiden N. Agustin para sa Poster Making.