Dilasag, Aurora – Muli na namang pinatunayan ng mga mag-aaral ng Diagyan National High School ang kanilang husay at talino matapos humakot ng mga parangal sa katatapos lamang na District Disaster Resilience Month 2025, Hulyo 19.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng kabataan sa kahalagahan ng kahandaan sa mga sakuna at kalamidad.
Sa Poster Making Contest, wagi ang Junior High School sa ikalawang pwesto sa katauhan ni John Carlo Abad, sa ilalim ng paggabay ng kanyang coach na si Gng. Aurea Joy M. Cartagena. Samantala, tinanghal namang kampeon ang Senior High School representative na si Raiden N. Agustin, kasama ang kanyang coach na si Gng. Julie Maryjane Verdadero Dayao.