Writer/Illustrator: Nathaniel D. Del Mundo
Gawad Teodora Alonso 2024 Category 2 - 2nd Place National level, and 1st Place Regional Level, 1st Place Division Level
Synopsis:
Sa pag-uwi ni Tonyo mula sa kanyang pinapasukang paaralan ay may isang bagay siyang nasilayan at hindi mawari kung ano ito at saan ito ginagamit. Mula sa pagpukpok na para bang instrumentong tambol, sa paglalaro nito bilang raketa at pati narin bilang isang bagay na maaaring maging kasuotan ay napag isipan ni Tonyo itong gamitin.
Habang lumalaon ay unti-unti niyang nalalaman na ito pala ay higit pa sa kanyang inaasahan at inaakala. Nakatutulong pala ito, nakapag papagaan at nakapag papadali ng karaniwang gawaing bahay at sa buhay. Gaya ng pagdidilig ng halaman, instrumento sa pagsasalok ng tubig at higit sa lahat ay kagamitan pala ito upang makapag linis ng mga bagay bagay at higit sa lahat ay ng katawan.
Ating Samahan si Tonyo sa kanyang paglalakbay at pagdidiskubre kung saan at paano ba gamitin ang natatanging bagay na tinatawag nating Tabo.