Third Quarter
Third Quarter
Nakikilala ang mga palatandaan ng
katarungang panlipunan
Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon
Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito
Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito
Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob
Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras
Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok
Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa
Napatutunayan na:
Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa
Napatutunayan na:
Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin
Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi