First Quarter
First Quarter
Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat
Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan
Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan, o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na
hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).
Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya
Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya
Napapatunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang
baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop)
Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat
Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat
Nahihinuha na :
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.
b.Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya.
c.Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa.