Third Quarter
Third Quarter
Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loobng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
Nasusuri ang mga halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito
Napatutunayan na ang pagiginig mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaligtaran ito ng Entitlement Mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat
Nakikilala ang:
a.mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal
b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
Nahihinuha na dapat gawin ang
pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito