Ang Weekly Home Learning Plan o WHLP ay gabay ng mga guro at magulang upang mas madaling maunawaan ang mga aktibidad na nakapaloob sa self-learning modules. Nakapaloob sa WHLP ang mga layunin at skills na dapat idevelop sa mga bata.
Nakapaloob sa Self-Learning Modules ang lahat ng mga aktibidad na dapat gawin ng mga bata sa bawat linggo. Ito ay itinugma at ginawa ng mga piling guro mula sa DepEd Region IV-A CALABARZON at ito ay dumaan sa masusing pag-aaral bago ibigay sa mga mag-aaral.