Magandang araw sa inyo, mga bata. Pati narin sa inyo, aming mga bisita na narito ngayon sa aking page at sa aming website.
Ako po ang inyong Teacher Rhona o Madam Rhona. Ako po ang guro ng mga Kindergarten babies na naka-enroll at mag-e-enroll sa paaralang ito.
Bukod sa ako ang guro at adviser ng mga Kinder na mag-aaral, ako rin po ang teacher in-charge sa LIS at EBEIS accounts ng paaralan. Ang LIS at EBEIS po ay siyang may kinalaman sa online na pag-e-enroll namin ng ating mga bata sa ating Division Office, gayun din sa Regional at Central Offices ng DepEd.
Lilinawin ko rin po na hindi ako ang mismong ICT Coordinator ng paaralan, Ang role pong iyon ay kay Sir Christian na siyang namamahala sa mga technical na aspeto at kaalaman pagdating sa ICT.
Lubos akong nagpapasalamat sa inyong pagbisita sa amin, lalo na sa aking page upang kami at ako ay makilala. Salamat din po sa inyo, at sa mga magulang ng Barangay Calayaan na sumusuporta at nagtitiwala sa akin, at sa aming lahat na guro ng Calayaan Integrated School.