"Magandang umaga or hapon sa lahat na mag aaral sa ikatlong baitang. At pati sa inyo rin na bumisita sa pahinang ito.
Ako si Madam Marilyn D. Beloso ang inyong adviser guro sa ikatlong baitang ng Calayaan Integrated School.
Ako ang inyong guro na magtuturo, gagabay sa inyo, maasahan ninyo sa abot ng aking makakaya. Nandito ako para tulungan kayong magpursige sa inyong pag aaral.
Ako rin ang DRRM Coordinator ng school, o ang guro na nakatalaga sa ating mga fire drills at earthquake drills. Gayun din sa pag-monitor at pagsiguro na ang ating paaralan ay ligtas mula sa anumang tinatawag na hazards na dapat alisin at mawala para sa kaligtasan ng lahat.
At syempre, ako rin ang madalas na tagapagluto para sa ating feeding program. Ako daw kasi ang masarap magluto sa aming lahat. Joke.
Ang edukasyon ang susi para sa ikauunlad nating lahat. Kaya ituloy ang inyong pag-aaral para makamit ang inyong mga pangarap."