BUKANG LIWAYWAY ISSUE FOR SY 2024-2025 COVERING JANUARY 2024 - DECEMBER 2024
Click this link: https://tinyurl.com/BIS-Bukang-Liwayway
BUKANG LIWAYWAY ISSUE FOR SY 2024-2025 COVERING JANUARY 2024 - DECEMBER 2024
Click this link: https://tinyurl.com/BIS-Bukang-Liwayway
BUKANG LIWAYWAY ISSUE FOR SY 2022-2023 COVERING AUGUST 2022- MARCH 2023
Click this link: https://www.flipbookpdf.net/web/site/f426693c151bdf027a2df8d6bd76a8ed34a3e97c202412.pdf.html
Araw ng mga Katutubo makabuluhang ipinagdiwang ng Bugnay IS
"Ang kultural na pagkakakilanlan ay hindi lamang isang simbolo ng nakaraan kundi isang mahalagang bahagi ng ating pag-unlad," wika ni Ginoong Romar S. Cadongonan, Kagawad ng Barangay Bugnay. Isang makulay na selebrasyon ng Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo ang isinagawa ng Bugnay Integrated School (BIS) noong Agosto 9, 2024, bilang pagpapahalaga sa mayamang kultura at tradisyon ng mga katutubong komunidad. Ang mga aktibidad ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at paggalang sa mga katutubong kapatid, na ang mga mag-aaral ay masiglang nakilahok sa mga tradisyonal na laro at palabas.
Ang araw ay nagsimula sa isang misa na pinangunahan ni Pastor Reynaldo Tabora ng United Methodist Church, na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga katutubo sa ating lipunan. Pagkatapos ng misa, nagsimula ang parada ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 7, suot ang kanilang mga katutubong kasuotan. Hindi rin nagpahuli ang mga guro, na nagsuot din ng mga katutubong damit bilang tanda ng pakikiisa.
Sa mga sumunod na aktibidad, tampok ang "Salisal ti Nainsigudan a Kawes," kung saan ipinakita ng mga estudyante ang kanilang mga pinakamagandang katutubong kasuotan. Si Ezeckiel Umalos ng Grade 7 at Summer Princes Sagao ng Grade 6 ang pinarangalan bilang may pinakamagandang katutubong kasuotan. Gayundin, lumahok ang mga estudyante sa mga katutubong awit at laro tulad ng "Batawa" song at "Nainsigudan nga Ay-ayam." Ang mga tradisyonal na laro tulad ng tumbang preso, sanggol, at luksong tinik ay nagdulot ng kasiyahan at masayang pagtutulungan sa mga mag-aaral.
Kasunod ng mga aktibidad na ito, ipinagdiwang ng Bugnay Integrated School ang isang makatawid na inisyatiba, ang Filipino Sign Language (FSL), na isinasagawa tuwing Lunes pagkatapos ng flag ceremony. Pinangunahan ito ni Ma’am Blessie C. Barber, Teacher III, na nag-aral ng sign language sa pamamagitan ng Division Training Workshop noong Oktubre 2022. "Ang Filipino Sign Language ay hindi lamang para sa mga estudyanteng may kapansanan kundi para rin sa ating lahat na magkaroon ng malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa bawat isa," paliwanag ni Ma'am Blessie.
Ang mga sesyon ng FSL ay nakatutok sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga senyas na ginagamit upang makipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral na may espesyal na pangangailangan. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, nagiging mas sensitibo at maunawain ang mga mag-aaral sa mga pangangailangan ng iba. Ang programa ay nakatutok din sa pagpapalaganap ng kultura ng pagkakaisa at paggalang sa lahat ng uri ng estudyante, na nagiging dahilan ng mas positibong ugnayan sa loob ng paaralan.
Sa mga aktibidad na ito, hindi lamang ipinagdiwang ng Bugnay Integrated School ang kultura ng mga katutubo, kundi nagbigay din ito ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magtulungan at magtaguyod ng mas inklusibong komunidad. Ang mga hakbang na ito ay patunay ng layunin ng paaralan na itaguyod ang mga programa na nagtatampok sa kultural na kamalayan at pagkakaisa, na naglalayong magtulungan upang makamit ang mas maliwanag na bukas para sa lahat.
Living Tradition: Learners dance the Tallibeng, a Bago Tribe dance.