Sinag Agustino ng Batch 2028, tugon sa pangangailangan ng mga youth ministry
Sinag Agustino ng Batch 2028, tugon sa pangangailangan ng mga youth ministry
AXEL LUCIO • BALITA • 2 minutong babasahin · Mayo 10, 2025
PAGLILINGKOD. Inilunsad ng mga mag-aaral mula sa Baitang 9 ang isang fundraising project upang suportahan ang youth ministries ng iba't ibang parokya bilang pagpapakita ng pagkakaisa, paglilingkod, at pananampalataya ng kabataang Agustino.
Grapiks ni JIANNA MARIANO; Kuha nina ARYANNE LABRADOR, BIANCA LIM, SOFIA MANGAHAS.
Ulat ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
Pinatunayan ng mga mag-aaral sa Baitang 9 na higit pa sa puhunan at produkto ang kayang ialay ng kabataan nang inilunsad ang Sinag Agustino, isang fundraising project na naglalayong suportahan ang mga youth ministry sa mga piling parokya.
Isinagawa ang proyekto mula ika-19 hanggang ika-21 ng Marso, 2025 sa High School Covered Court (HSCC) ng Colegio San Agustin-Makati.
Nagsisilbing konkretong tugon ang Sinag Agustino sa pangangailangan ng kanilang piniling parokya, na siyang pangunahing paksa sa asignaturang Christian Living Education na humugot ng inspirasyon mula sa taunang Tatak Agustino ng ika-12 na baitang.
Kabilang sa mga negosyong itinayo ng bawat seksyon ay ang Pin-alangin ng 9A, Slimakopia ng 9B, Thrift and Click ng 9C, Frame the Faith ng 9D, Heavenly Knots ng 9E, Shots of Faith ng 9F, Swish ng 9G, Picroots ng 9H, Finders Keepers ng 9I, at pati na rin ang Tote Mary ng 9J.
PANANALIG SA LARAWAN. Ginabayan nina Franco Reyes at Josef Pelayo (9D) ang proyektong Frame the Faith para sa Sinag Agustino, kung saan ginamit nila ang sining ng potograpiya.
Kuha ni SOPHIA ISABEL ORO; Ulat ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
Ayon kay G. Arvie Ignacio, guro sa Christian Living Education (CLE) at ang tagagabay ng nasabing aktibidad, “Since CLE 9 focuses on [the] Church, the Sinag Agustino became a concrete response to become a Church especially for the young people. It is an initiative from the young people to the
young people.”
Ang Sinag Agustino ay isang Project-Based Learning (PBL) performance task sa asignaturang CLE na katuwang ang mga asignaturang Filipino at Social Studies.
Sinimulan ang proyekto sa unang termino ng taong panuruan nang inatasan ang mga mag-aaral na siyasatin ang kanilang mga napiling parokya at kilalanin ang mga parish priest nito.
Sa ikalawang termino, nakipagpanayam naman ang mga Agustino sa mga youth leaders ng mga parokya upang alamin ang mga programa ng youth ministry at ang mga hamon na kinakaharap nito. Kalakip nito ang pagdidisenyo ng isang panukalang proyekto na tutugon sa mga pangangailangan ng mga parokya na kalaunan ay isinagawa sa ikatlong termino.
Sa kabuoan, nakalikom ang mga mag-aaral ng Php 205,385 na ipamamahagi sa sampung parokyang benepisyaryo ng bawat seksyon upang suportahan ang mga formation programs ng kanilang youth ministry.
TAGPUAN NG TULONG. Aktibong nakilahok si Joaquin Mendoza (9I) sa proyektong Finders Keepers na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga youth ministry sa paraan ng pagtitinda ng mga lumang kagamitan at damit.
Kuha ni SOPHIA ISABEL ORO; Ulat ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
BILIHANG MAY DIWA. Makikita ang mga mag-aaral na aktibong tumatangkilik sa proyektong Pin-alangin ng Baitang 9A, bilang bahagi ng Sinag Agustino, na layuning magtaguyod ng paglilingkod at pananampalataya.
Kuha ni SOPHIA ISABEL ORO; Ulat ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
Ibinahagi ni G. Ignacio na ang layunin ng proyekto ay higit pa sa pangangalap ng pondo kundi isang paanyaya sa mga estudyante na isabuhay si Hesus sa kanilang pakikitungo sa kapwa. Binigyang-diin niya na bilang Simbahan, tungkulin nating maging tagapaghatid ng pagbabago sa lipunan, kahit sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang gaya ng Sinag Agustino.
Ang Sinag Agustino ay nakatakdang ipagpatuloy sa mga susunod pang taong panuruan bilang isang legacy project ng ikasiyam na baitang.
tungkol sa may-akda
Punong Taga-anyo (2024-2025)
BAITANG 9
Mga Organisasyong Sinasalihan: LIFE, Adeodatus Scholarship Organization
Taga-anyo (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Adeodatus Scholarship Organization
Taga-anyo (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Supreme Student Council, Advertising Core Committee
Katuwang na Taga-anyo (2024-2025)
BAITANG 9
Mga Organisasyong Sinasalihan: Student Affairs Committee, Leadership Initiative for Formation and Excellence
Tagalarawan (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Adeodatus Scholarship Organization
Tagalarawan (2024-2025)
BAITANG 9
Mga Organisasyong Sinasalihan: Teatro Punlahi JHS
Tagalarawan (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Tagalarawan (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Tagalarawan (2024-2025)
BAITANG 7