CSA Makati, ipinagdiwang ang ika-56 anibersaryo
CSA Makati, ipinagdiwang ang ika-56 anibersaryo
MA. LEILA DE GUIA • BALITA • 1 minutong babasahin · Hulyo 08, 2025
Grapiks nina JIANNA MARIANO at JACOB CABALLA
Ginunita ng Colegio San Agustin-Makati (CSA) ang ika-56 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong ika-7 ng Hulyo 2025 na may temang "Augustinian Pilgrims of Hope: 56 Years of Enriching Faith.”
Sinimulan ang programa sa Grade School Covered Court (GSCC) sa pamamagitan ng pag-ihip ng isang shofar, isang tambuling mula sa sungay ng tupa bilang simbolo ng pagkakaisa ng pamayanang Agustino. Pinasigla nito ang okasyon at binuhay ang diwa ng bawat Agustinong inatasang maging pinunong tagapaglingkod sa ngalan ng bisyon, misyon, at adhikain ng institusyon.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, nag-alay ang pamayanan ng isang misang institusyonal, kalakip ang paghahandog ng canned goods, gayundin ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng mga bagong solar panel na naisakatuparan ang instalasyon sa pamamagitan ng kooperasyon ng kumpanyang WEnergy Global sa pangunguna ni G. Quintin Pastrana, pangulo nito at isang alumnus ng CSA.
Inilahad niya ang kapasidad at inaasahang bunga ng 393.8 kilowatt peak (kWp) Solar Photovoltaic (PV) Rooftop System ng CSA. “10 times the size of the CSA Makati campus is actually being planted [with] solar panels equivalent [to] the renewable energy in your rooftops,” ani ng alumnus.
Ipinagmalaki niya na isa ang CSA sa may pinakamalaking solar power system sa mga paaralan ng Kalakhang Maynila.
Larawan ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
“In 25 to 30 years, that means you will be able to build a forest which is equivalent to half [of] Makati City. That is with the contribution of Colegio San Agustin because of your leadership in establishing renewable energy in our country through your school,” dagdag pa niya.
Pinangunahan ni Padre Dante M. Bendoy, OSA, ang rektor ng paaralan, ang pagbabasbas at pagputol ng laso bilang pagsisimula ng layunin ng pagsusulong sa pagpapanatili ng kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan.
“Let this ribbon cutting symbolize more than just the inauguration of a new energy source. Let it serve as a beacon of our shared commitment to sustainability, to the dignity of all creation, and the pursuit of a more just and harmonious world,” huling pabatid ni Padre Bendoy sa inagurasyon.
Sa loob ng mahigit limang dekada, ipinamalas ng CSA Makati ang pagsisikap para sa kahusayan tangan ang mga pagpapahalagang Agustino sa paghubog ng mga kabataan. Ang pagdiriwang na ito ay paraan upang sariwain ang nakaraan, pasalamatan ang kasalukuyan, at salubungin ang kinabukasan nang puno ng pag-asa.
tungkol sa may-akda
Ma. Leila De Guia
Patnugot ng Balita (2025-2026)
BAITANG 12 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Student Affairs Committee (SAC), Teatro Punlahi (SHS)
Caiel Parcon
Katuwang na Patnugot ng Balita (2025-2026)
BAITANG 10
Punong Taga-anyo (2025-2026)
BAITANG 12 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Adeodatus Scholarship Organization
Katuwang na Taga-anyo (2025-2026)
BAITANG 12 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Supreme Student Council, Advertising Core Committee
Punong Tagalarawan (2025-2026)
BAITANG 12 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Adeodatus Scholarship Organization
Katuwang na Tagalarawan (2025-2026)
BAITANG 10