BUKLURAN NG ISIPAN
PINGKIAN 2025, tampok ang mga mahuhusay na pananaliksik
PINGKIAN 2025, tampok ang mga mahuhusay na pananaliksik
JUAN MIGUEL RUBIALES • AGHAM AT TEKNOLOHIYA • 4 minutong babasahin · Mayo 09, 2025
EDU-AKSYON. Isa sa mga ibinahaging pananaliksik sa Pingkian 2025 ang “Enhancing Groundwater Quality in Rural Households of Bataan through Banana (Musa sp.) Pseudostem Filtration” mula sa 12-E (STEM) na naglalayong matugunan ang isyu sa kalinisan ng tubig sa mga liblib na bayan.
Kuha mula sa CSA MAKATI, Ulat ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
Muling pinatunayan ng mga Agustinong mag-aaral mula sa mataas na paaralan ang kanilang kahusayan at kamalayang panlipunan sa taunang PINGKIAN Research Conference ngayong 2025 na handog ng mga guro mula sa General Academic Strand (GAS) noong ika-14 ng Marso.
Bilang isang taunang pagtitipon ng mga mag-aaral upang maibahagi ang mga sariling pananaliksik, layunin ng PINGKIAN na itaguyod ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pananaliksik at mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga isyung panlipunan at pangkulturang naaayon sa mga talakayin sa kanilang mga asignatura.
Binigyang representasyon ang iba’t ibang paksa sa pananaliksik alinsunod sa mga gawain sa apat na strand para sa mga mag-aaral mula sa senior hayskul (SHS) at Science Enrichment Class (SEC) naman para sa mga mag-aaral mula sa junior hayskul (JHS).
Narito ang ilan sa mga kinilala bilang mahuhusay na pananaliksik; ani ng pagsisikhay ng mga mag-aaral
na mananaliksik.
LAGUSAN. Pinangunahan ni Bb. Ira Louise Ramos, guro sa Pananaliksik, ang Pingkian Research Conference 2025 na naglalayong maging lagusan ng mga kaisipan na tutugon sa mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pananaliksik.
Kuha mula sa CSA MAKATI
Ulat ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
Kanino kakapit ang kapangyarihan sa pagsapit ng halalan?
Kinilala bilang Best Research Poster mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) at GAS ang pananaliksik nina John Benedict Aliwalas, Enzo Gallego, Yumi Sansano, Zephania Soriano, at Alyanna Villanueva mula sa pangkat 12I-HUMSS kung saan tinalakay ang pagkakaugnay ng electoral preference strategies sa pananaw ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa political dynasties.
Pinamagatang “The Relationship Between Grade 11 Senior High School Students’ Electoral Preference Strategies and their Attitudes Towards Political Dynasties,” gumamit ang pananaliksik ng correlational research design upang masuri ang ugnayan sa pagitan ng mga estratehiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa pagpili ng kandidato at ang kanilang saloobin sa pagkakaroon ng mga political dynasty.
Ayon sa datos na nakalap ng pananaliksik, lumabas na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng dalawang ito kung kaya't inihayag ng mga mananaliksik na hindi direktang naaapektuhan ng kanilang paraan ng pagpili ng kandidato ang kanilang pananaw tungkol sa political dynasties.
Iginiit ni Villanueva, isa sa mga mananaliksik, na “Sa pagtataguyod ng pananaliksik na ito, bagaman napagtantong walang kaugnayan ang electoral preference strategies at attitudes toward political dynasties, nagsisilbing karagdagan pa rin sa kabuuang kaalaman ang mga napagtantong lebel ng mga variable na ito sa Baitang 11 ng mga mag-aaral mula sa Colegio San Agustin-Makati.”
Ninanais ng mga mananaliksik na lalo pang pagtibayin ang mga programa sa paghalal ng mga pinuno ng bansa sa pamamagitan ng kanilang papel.
Tunghayan ang buod ng kanilang panananaliksik:
https://drive.google.com/file/d/1ZbvSF70HJ1oR_nvxCH8aj7B2V1YArFcL/view?usp=sharing
Pinunong-GURO
Mula naman sa Accounting, Business, and Management (ABM) strand ang pananaliksik nina Mohammad Yusuf Burahan, Franco Inigo Delgado, Danielle Marie Garvida, Tanya Ysabelle Guerrero, at Angela Michiko Suzuki ng pangkat 12G-ABM na pinamagatang "A Correlational Study between Job Satisfaction among Senior High School Teachers and the Leadership Scores of their Supervisors of Colegio San Agustin-Makati."
Nag-uwi ng gantimpala bilang Best Research Poster mula sa ABM, sinuri ng pananaliksik ang ugnayang pumapagitna sa managerial style ng mga supervisor at antas ng job satisfaction ng mga guro sa SHS. Gumamit ang pag-aaral ng correlational research design upang masukat ang istilo ng pamumuno gamit ang Blake and Mouton’s Managerial Grid at ang job satisfaction sa pamamagitan ng Engaged Teacher Scale.
Lumabas sa kanilang pag-aaral na karamihan sa mga supervisor ay nasailalim sa kategoryang Team Leader, habang nakitaan naman ang mga guro ng mataas na antas ng kasiyahan sa trabaho, partikular sa aspeto ng Social Engagement.
Subalit natuklasan din na mahina at hindi makabuluhan ang kaugnayan ng leadership style sa job satisfaction, bagay na nagpapakita na ang kasiyahan ng mga guro ay maaaring higit na naiimpluwensyahan ng iba pang mga salik gaya ng workload, kompensasyon, at pakikipag-ugnayan sa kapwa guro.
Ayon kay Guerrero, “Studies written here in CSA are commonly focused on the students and as an ABM student, it is in my nature to be different and think outside the box. With that, my groupmates and decided that we wanted to make the teachers the respondents for our research.”
Tunghayan ang buod ng kanilang panananaliksik:
https://drive.google.com/file/u/1/d/1e_qG9HGztL802L2TagyrGEx69ws2S30s/view?usp=sharing
Papel na makakalikasan, papel na makakinabukasan
Mula sa Grade 10 Science Enrichment Class ng Colegio San Agustin-Makati, nagsagawa ng makabuluhang pananaliksik sina Dreo Jaden Gonzales, Liam Andrew Madridijo, Mika Antonette Magpantay, Patricia Denise Matti, at Aaron Salonga upang pag-aralan ang epekto ng abaca at coconut fibers sa mekanikal at pisikal na katangian ng recycled paper.
Sa kanilang pag-aaral na pinamagatang "Effect of Abaca and Coconut Fibers to the Mechanical and Physical Properties of Recycled Paper," layunin ng pangkat na bawasan ang papel na basura sa pamamagitan ng pagsasama ng organikong materyales tulad ng abaca at coconut fibers sa paggawa ng papel.
Sa pamamagitan ng mga isinagawang eksperimento, natuklasan nilang na mas matibay ang coconut fiber sa mga aspektong karaniwang binibigyang-pansin sa paggamit ng papel tulad ng mas mataas na water resistance, makinis na texture, at matibay na tensile strength.
Bilang tugon sa lumalalang problema ng papel na basura, umaasa ang mga mananaliksik na magbubukas ang kanilang pag-aaral ng mas marami pang inobasyon sa paggamit ng mga likas at lokal na kagamitan sa industriya ng papel na siyang kaagapay natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Tunghayan ang buod ng kanilang panananaliksik:
https://drive.google.com/file/d/1CcYIripJIx6wdEMs7wEohQEk94K9PxJs/view?usp=sharing
PAGSISIYASAT. Pinamunuan ni Luigi Agustin (11F) ang presentasyon ng pananaliksik na pinamagatang “Effectiveness of Autocratic and Democratic Leadership Styles in Modern Businesses” sa Pingkian Research Conference 2025, na tumatalakay sa epekto ng iba't ibang estilo ng pamumuno sa makabagong negosyo.
Kuha mula sa CSA MAKATI
Ulat ni SEAN NIGEL GUTIERREZ
tungkol sa may-akda
Pangalawang Patnugot; Patnugot ng Agham at Teknolohiya (2024-2025)
BAITANG 10
Mga Organisasyong Sinasalihan: Supreme Student Council, LIFE, Adeodatus Scholarship Organization, Grade 10 Technicals Committee
Taga-anyo (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Adeodatus Scholarship Organization
Taga-anyo (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Supreme Student Council, Advertising Core Committee
Tagalarawan (2024-2025)
BAITANG 11 STEM
Mga Organisasyong Sinasalihan: Adeodatus Scholarship Organization