RISA HONTIVEROS
19th Congress
(Member, 15 August 2025 - June 2025)
19th Congress
(Member, 15 August 2025 - June 2025)
MAR
06
2024
Seconding speech for the confirmation of the ad interim appointments of forty-six (46) Generals/Flag Officers and Senior Officers of the Armed Forces of the Philippines
Plenary Session No. 06, Second Regular Session
Salamat kaayo, Mr. Chair. Salamat tabe Majority Leader.
Mr. Chair, nakikiisa po ako sa ating pag-kumpirma sa ating mga Opisyal ng Armed Forces of the Philippines ngayong hapon. Sa lahat po sa kanila at lalong lalo na po kay Maj. Gen. Ramon Demy Zagala. Siya po ay miyembro ng pamilya ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan sa kolehiyo. At higit pa doon, ipinagpapasalamat ko po ang kanyang tulong at pag-gabay nitong nakaraang halos kalahating dekada sa mga usapin na mahahalagang isinusulong natin, hindi lamang sa Senado, kundi sa buong Kongreso ng ating bayan. Mga usapin katulad ng: ang tamang ugnayan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police; ang ating pambansang soberanya sa West Philippine Sea at lahat ng maritime zones ng ating arkepelago; at pati po ang karapatan at kagalingan ng ating mga kababaihan at kabataan laban sa human trafficking.
So, sa pamamagitan po ng ating dakilang Komisyon, Mr. Chair, isang taos puso at nagmamalaking mabuhay kina Major General Demy at kanyang mga kabaro at sa kanila pong lahat, lalong lalo na rin po ang mga kabaro namin ni Rep Lani na mga babaeng opisyal, lalo na’t ngayong buwan ng kababaihan. Kina Major General Demy at lahat po ng kanyang mga kabaro, my snappy salute.
Salamat kaayo, Mr. Chair.
AUG
20
2024
Seconding speech for HANS LEO JAVIER CACDAC for the confirmation of his ad interim appointment as Secretary, Department of Migrant Workers (DMW)
Plenary Session No. 02, Third Regular Session
Salamat, Abi, Mr. Chair.
Magandang tanghali po sa ating lahat!
Wala nang mas gaganda pa sa araw na ito at muli tayong nagkita-kita at sa wakas ay na kumpirma na ang ating bagong Kalihim ng Department of Migrant Workers, si Sec. Hans Leo Cacdac!
Sa pangalawang pagkakataon, ako po ay magbibigay ng manifestation of support for the confirmation of the ad interim appointment of the good Secretary for the following reasons:
Una, sa usaping track record, mula kanyang academic background hanggang sa pagsisilbi sa gobyerno, sya po ay dumaan sa proseso ng paninilbihan mula sa pagiging Direktor sa isang ahensya, naging Administrator, Undersecretary, at sa huli ay naging OIC ng DMW, para gampanan ang tungkulin ng namayapang si Sec.Toots Ople.
Hindi po madali ang magtrabaho at magbigay ng serbisyo sa ating pamahalaan. Ito po ay kailangan ng matinding determinasyon at sakripisyo upang gawing isang career ang pagiging lingkod bayan. Ang pagkakaroon ng isang malinis na track record sa mahabang panahon ng paninilbihan ay isang huwaran at dapat bigyan ng suporta mula sa atin mismo sa sangay ng pamahalaan.
Pangalawa, ang kanyang karanasan sa pagtulong sa mga sektor ng urban poor community, magsasaka, at manggagawa, noong siya po ay nasa Non-Government Organization pa lamang, ay isang batayan upang masasabi natin na si Sec. Hans ay may malasakit sa mga na-aaping sektor ng ating bayan.
Pangatlo, ang kanyang mga naging achievements o mga nagawang pagbabago na nagbunga ng magandang epekto mula sa POEA, OWWA, at sa kasalukuyan ay sa DMW, na kahit sa maikling panahon lamang ay maraming napasarang mga abusadong recruitment and manning agencies, na nagpabaya sa kanilang mga tungkulin, upang siguraduhin na ligtas ang ating mga kababayan sa trabaho na kanilang papasukan sa ibang bansa, at iba pa.
Mr. Chair, marami pa pong problema na kinakaharap ng ating mga OFWS, marami po'ng dapat simulang baguhin sa mga maling patakaran mula pa n'ung matagal na panahon, lalo na pagdating sa mga receiving countries, marami pa rin ang mga kaso ng pang-aabuso at krimen, ito ay dapat magwakas. Pero, dapat ding ipagpatuloy ang mga nasimulan na magagandang pagbabago sa mga polisiya at batas para sa kabutihan ng ating mga OFWs, sa pangunguna ni Sec. Hans at iba pang kasamahan n'ya sa ahensya. I have faith in his credibility, ability, and competency in leading his department to fully and effectively serve our kababayans who risk their lives and their futures abroad. May malalim s'yang karanasan sa pagtugon sa mga problema at pagsubok na kinakaharap ng ating mga kababayang OFWs. With Sec. Hans deep sense of compassion combined with his skills and experience, I believe that he will prove to be an excellent leader of the Department and a great advocate for our OFWs.
Mr. Chair, sa huli, nais kong magpasalamat sa aking mga kasama sa Senado at sa House sa pagbigay ng pagkakataon na makapaglingkod si Sec. Hans sa DMW at higit sa lahat sa mga kababayan nating OFWs, kasama ang kanilang mga pamilya.
Dakong pasasalamat, Mr. Chair.