Sa pagtuturo ng Filipino, ang layunin ng guro para sa kanyang mga mag-aaral ay malinang ang kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat nito nang wasto. Ang pakikinig ay sinasabing siyang tagapanguna ng gawaing pagsasalita. Ang kakayahan naman sa pagsasalita ay siyang nagiging kaugalian ng pagbasa at pagsulat.

Isinaalang-alang din ang layunin ng Ateneo de Davao Grade School sa pagtuturo sa kabataan ng mabuting pamumuhay at kalinisan ng hangarin sa buhay ng kabanalan at mabuting pag-uugali, ng kahalagahan ng tungkuling gagampanan ng isang mamamayan sa bansa at higit sa lahat ng pagiging tunay na Atenista para sa kapwa.