Hi Ateneans!
Maligayang pagdating sa website ng Pagdiriwang ng Linggo ng Araling Panlipunan at Araw ng Nagkakaisang mga Bansa 2020. Dinadalhan ka ng site na ito ng mga aktibidad na pang-edukasyon sa online para masiyahan ka mula Oktubre 16 hanggang 30, 2020.
Ang taong 2020 ay marka ng ika-75 na anibersaryo ng United Nations. Ang selebrasyong ito ay dumating sa panahon ng matinding krisis sa buong mundo dahil sa COVID-19 na pandemya, na nagdala ng matinding epekto sa aspetong pangkalusugan, pang-ekonomiya, at panlipunan ng sangkatauhan. Ang United Nations ay nananawagan na ang krisis na ito ay paalala na ang panahon ng pandemya ay pagkakataon din upang makita ang mga magagandang oportunidad at posibleng magagandang pagbabago sa buhay ng bawat pamilya, bansa at ng buong mundo.
Ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang nabibilang sa United Nations, ay nakikiisa sa mga planong aksyon o gawain ng organisasyon para makita ang magagandang oportunidad para sa masagana at maunlad na kinabukasan ng mga tao sa mundo at ng buong sangkatauhan.
Bilang tugon, ngayong buwan ng Oktubre, sa pagdiriwang ng Ateneo de Davao University, Grade School Unit ng LINGGO NG ARALING PANLIPUNAN at ARAW NG MGA NAGKAKAISANG BANSA ay inaangkop nito ang mga gawain sa sama-samang pagharap sa krisis na dulot ng pandemya. Sa taong ito ay naglalayon ang departamento na maisapuso at maisakatuparan ng bawat mag- aaral ang tamang pakikitungo at maagap na pagtugon sa mapanghamong buhay hindi lamang sa panahon ng pandemya kundi pati na rin sa iba pang hamon sa buhay.