PSBMB 37th Annual Convention Successfully Convened

DBMB conducted first PSBMB Post Convention Workshop on Quantitative Real Time PCR

UPCM Students’ IDC 211 Research Project Bags APMC Award

UPM to host the 37th PSBMB Annual Convention

PSBMB Convention

DBMB Website Launched

Dr. Nevado, Jr is Back

RT-PCR Workshop

DBMB participated in the 10th SCA Conference

Genomic Surveillance of Dengue Virus -MDL-UPMCmed


        Magandang araw sa inyong lahat! Tag-ulan na naman at alam natin na tuwing sasapit ang tag-ulan ay tumataas ang kaso ng dengue lalo na sa Metro Manila. Sa totoo lang, kahit hindi pa man sagad ang tag-ulan ay sumipa na ng higit 16% ang kaso ng dengue sa taong ito mula ng Enero. Kaya talagang dapat doble ingat at gawing mas aktibo ang ating pakikipaglaban kontra dengue.

Ngayon ang UP Manila Department of Biochemistry and Molecular Biology ay nakikipagtulungan sa Quezon City Health Department at Barangay Old Balara sa isang proyekto na pinunduhan ng National Research Council upang pag-aralan ang lamok na nagdadala ng dengue virus. May tatlong lugar ang pinag-aaralan ngayon sa Bgy Old Balara, ito ay Area 1-Luzon, Area 1-Old Balara at Area 4-Sitio Payong. May itinalaga na mga Ovi/larvi traps sa labinlimang mga bahay sa bawat lugar at ito’y sinusubaybayan kung ang mga lamok sa lugar na ito ay nagdadala ng dengue virus. Ito ay kayang gawin sa pamamagitan ng pag-suri ng mga kitikiti at lamok na Aedes aegypti na nakukuha sa mga traps at mga lalagyang napundohan ng tubig ulan.

Gagamit ng DNA testing para mabilis nating malaman kung ang mga nahuling lamok ay may dalang dengue virus at dahil may GPS coordinates ang bawat lugar na pinaghulihan ng mga lamok, mabilis din nating matutukoy kung saan ang mga lugar na may maraming dengue-positive na lamok at doon tayo mag-umpisa ng paglilinis, bago pa man ito’y makakagat at makapagkalat ng dengue virus.
Kaya kayo ay aming ina-anyayahang manatiling mag-subaybay sa mga updates ng ating website dahil dito natin inilalathala ang pinaka bagong impormasyon na nakalap natin sa ating pag-momonitor ng mga lamok.

Higit sa lahat, dapat ay gumawa ng programa ang bawat tahanan at barangay kung papaano mapuksa ang pagkalat ng dengue-positive na lamok.
Heto po ang ating mapapayo:

1. Pa-igtingin ang “Search and Destroy” program o paghanap ng mga pugad ng lamok at itoy wasakin.
2. Sa bawat bakuran ng tahanan ay hanapin ang mga lalagyang napundohan ng tubig ulan (mga gulong, lata, bote, halaman, flower vase, alulod at iba pa) at itoy limasan o iwaksi.
3. Takpan ang mga pundohan ng tubig para di pamayanan ng lamok.
4. Gumawa ng “dengue-free field” o paligid na ligtas sa lamok ang bawat tahanan. Ito ay gawin 2-5 days bawat matapos ang ulan dahil sa panahong ito, nag-uumpisang mangitlog at nagpaparami ang mga  lamok.
5. Kung merong lugar na di kayang limasin, at ito’y merong mga kitikiti, makipag-ugnayang kayo sa health center kung paano ito mapupuksa. Maari nyo itong lagyan ng isda na kumakain ng mga kitikiti o di kaya lagyan ng mga pang-lason (tulad ng sabon, asin o apog).
6. Maglagay ng mga panghuli ng lamok, tulad ng Ovicidal traps o Electric mosquito killers, para maiwasan ang paglapit at pangangat ng mga lamok. 
7. Maaring gumamit ng insecticide spray para mapatay ang mga lamok sa loob ng bahay subalit itoy gagawin sa araw na nasa labas ng tahanan ang mag-anak, upang hindi maka-apekto sa kalusugan ng pamilya.

Papaano nyo malalaman na ligtas kayo sa dengue? Kung kayo ay iikot sa loob ng inyong tahanan at sa paligid ng inyong bakuran at kayo ay walang makikitang lamok or kiti-kiti, kayo ay ligtas sa lamok na may dalang dengue. Subalit, maaring hindi magiging lubos ang inyong kaligtasan sa dahilang, puedeng manggaling ang lamok na may dengue sa inyong kapit-bahay, o kapit-barangay na di naglilinis ng kanilang bakuran.

Kaya dapat ang lahat ay gumawa ng pangkumunidad na pag-lilinis at ito ay gawing madalas. Ang ating sinasabi ay 2-5 days tuwing makalipas ang ulan. Magkusa na ang bawat tahanan na magsubaybay sa kanilang bakuran at gayon din sa paaralan at parke na maaring pag-laruan o daanan ng ating kabataan. Dahil maaring makuha ang dengue ng nga bata sa kagat ng lamok galing sa mga lugar na ito.

Kung kayo’y may pagduda sa mga kitikiti o lamok na inyong nahuli sa inyong lugar, kayo ay makipag-ugnayan sa amin sa telepono: 09179509959 at maaari nyong ipadala ang nahuling lamok upang ating masuri kung ito ay dengue-positive.

Kaya…”Iwas dengue, Iwas kitikiti, Napundong tubig iwaksi!”

Maraming salamat po!


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Project Description

   Dengue is a major problem in several Metromanila cities and prevention of the specific female dengue mosquito from proliferating and biting human host would be of fundamental concern. DOST's OL trap technology was recently adapted as a widespread strategy for controlling the mosquito. OL trap or “Ovicidal and Larvicidal” trap technology involves the use of agents that can kill mosquito eggs and larvae in stagnant freshwater containers that serve as trap. Meanwhile, another kind of trap, the Orbi-traps have been validated as means to monitor mosquitos in different localities (Panogadia-Reyes et al., n.d.). Following a simple mosquito trap design (http://extraordinarydesign.wordpress.com/2010/06/25/mosquito-trap-dengue-prevention/) with modifications, adult mosquitoes are caught and morphologically identified.  This project will add value to a program of wide-scale mosquito monitoring by surveillance of the virus present in the collected mosquito  by PCR analysis of its DNA/RNA extract and provide advise which dengue type is circulating in the mosquito population of a given site. Furthermore, in the Orbi-trap, a mosquito-feeding device can be installed where an anti-dengue DNA vaccine can be introduced.

    The PCR platforms are available and all that would be needed are the system for sample collection and the reagents for the genomic surveillance work. The feeding device however needs to be designed although “blood-filled condoms” have been reported to work in luring mosquitos.  Anti-dengue DNA vaccines have also been reported to elicit immune response in  humans. Mosquitos can be ideal vaccine targets as well, capitalizing on their endogenous defense system to block the spread of dengue virus.

    Thus, this proposal aims to establish a viral genome surveillance of mosquito samples from mosquito-trap systems for early advisory and develop orally-deliverable anti-dengue vaccine  to mosquitos.    

    

Expected Output

      The products/process or services  that will be developed from this research project are the following:

       1. service to detect the kind of dengue virus present in the Aedes mosquito sample

       2. orally-deliverable anti-dengue vaccine for mosquitos

       3. website for Aedes mosquito and dengue virus demograpics 


Project Experimental Site



************************************************************************************************

Latest Updates  (Please click the link to see the video or site) 

1. Mornings with M feature DWBR 104.3FM, August 04,2012: UP Manila expert, Dr. Heralde speaks about anti-dengue project.
2. Ang Bandila ABS-CBN feature: UP Manila launches study to fight dengue. http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/07/18/12/...
3. UP Manila experts, QC gov't use GPS locators in fight vs dengue. Philippine Daily Inquirer, July 17, 2012 p. A18
4. QC govt gets help from U.P. anti-dengue experts.  http://www.pia.gov.ph/news/index.php?article=2271338264193 
5. Dora gets dengue. PCHS nursing students provide health teaching on dengue to elementary students by storytelling.



Mosquito Collection Data Summary (Please click to see the Excel file link)

1. 1st Collection (11 June 2012)
2. 2nd Collection (29 June2012)
3. 3rd Collection (13/24 July 2012)
4. 4th Collection  (25 Jul and 2/10/21 Aug 2012)
5. 5th Collection (Aug 13/24 and Sept 02 2012)
6. 6th Collection (Aug 27 and Sept 7/20 2012)
7. 7th Collection (Sept 10/21 and Oct 04 2012)
8. 8th Collection (Sept 24 and Oct 05/16 2012)
9. 9th Collection (Oct 10/19/30 2012)
10. 10th Collection (Oct  26 and Nov 6/13 2012)
11. 11th Collection (Nov 9/20/29 2012)
12. 12th Collection (Nov 23 and Dec 7/12 2012)
13. 13th Collection (Dec 6 2012)


Experimental Site Details


An image map indicates specific locations under study in Old Balara, Quezon City, via GIS coordinates which are provided below.

Links Status:

Links for Area 1-Luzon - Available. (You may click the red pins to view the corresponding map locations except for House #1 -GIS data not available).
Links for Area 1-Old Balara - Available.
(You may click the green pins to view the corresponding map locations.
Links for Area 4-Sitio Payong - Available. (You may click the blue pins to view the corresponding map locations).

 House No.
 Area 1-Luzon
Area 1-Old Balara    
 Area 4-Sitio Payong
 

1
 




 
2


 
3

 
4


 
5


 
6


 
7


 
8


 
9


 
10


 
11


 
12


 
13


 
14


 
15




Links to Project Collaborators (Please click below)

1.National Research Council of the Philippines
2.The Quezon City Department of Health



For inquiries or correspondence please send email to:

DR. FRANCISCO M. HERALDE III
Program Head

Email: fheralde@yahoo.com; fmheralde@post.upm.edu.ph
Website: https://sites.google.com/a/post.upm.edu.ph/dbmb/home/faculty-and-staff/fmh