Search this site

478days since
Christmas Day

Latest News


May Tagumpay sa Pagkakaisa

posted Nov 25, 2013, 12:59 AM by Gemma Rose Loyola

    “United we stand, divided we fall”. Ito ang nagpapalakas sa guro at mag-aaral ng  Cataning Elementary School.

 

    Pagtuturo….reports….paligsahan….school activities…at PASBE. Marami? Mahirap? Pero lahat ng ito ay nakayanan.

 

    Ito ang pang-araw-araw na gawain ng guro. Ito ang araw-araw na nakikita ng mga mag-aaral.

 

    Sa mga nagdaan na paligsahan, hindi nagpahuli ang Cataning ES. May lumaban sa ating mag-aaral sa Regional Competition sa Science. Pasok sa RSPC ang Collaborative team ng CES journalists. Nanalo ang basketball team ng Cataning ES sa katatapos na City Meet, at kamakailan lamang ay natuwa ang mga supervisors sa ginawang paghahanda ng Cataning ES sa PASBE.

 

    Ang nagdaan na Family Day at Teachers’ Day ay isang halimbawa ng pagkakaisa. Nagsamasama ang mga magulang upang makabuo ng isang cheer dance. Ang mga guro, kahit na maraming gawain ay nagkaisa upang mabigyang saya ang lahat ng manonood ng kanilang sayaw. Naging matagumpay ang mga pagtitipon na ito at lubos itong ipinagmamalaki ng Cataning ES.

 

    Sa mga gawain ng guro at mag-aaral, kooperasyon at pagtutulungan ang namamayani. Ito rin ang natututunan ng mga batang sumasali sa mga kompetisyon dahil ito ang nakikita nila sa kanilang guro. Ang pagkakaisa na ito ang nagbibigay lakas ng loob sa mga bata sa kanilang paglaban.

 

    Marami pang paligsahan, marami pang gawain… ang mahalaga ay nagkakaisa.  Sa pagkakaisa sigurado ang tagumpay!

Mosquito OL Trap

posted Nov 25, 2013, 12:58 AM by Gemma Rose Loyola

    Ang mataas na bilang ng Pilipino na namamatay sa lamok ay sapat ng dahilan para umisip o maghanap ng paraan para mapuksa ito.

 

    Mayroong 50 milyong kaso ng impeksiyon sa Dengue Fever sa buong mundo kada taon. Sa Pilipinas  204 katao na ang iniulat na nasawi dahil sa nakamamatay na sakit na dengue. Ayon sa  Department of Health (DOH), ang naturang bilang ng mga nasawi sa dengue ay kasama sa kabuuang 45,037 dengue cases na naitala sa bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 15, ng taong ito. Tumataas ang bilang ng mga kaso ng Dengue tuwing paparating na ang panahon ng tag-ulan.

 

    Hindi lamang dengue ang sakit na dala ng lamok. Malaria, encephalitis, elephantiasis at chikungunya ay mga sakit na maaari nating makuha sa isang kagat lamang ng lamok.

 

    Ano ang dapat nating gawin sa mga lamok na ito? Kaawa-awa ang sinumang maapektuhan ng mga sakit na ito. Ang pinakadilikado dito ay ang mga batang paslit na madalas maglaro sa ating bakuran. Nagkalat ang mga lamok. Kahit saan yata ay may lamok. Mahirap silang mapansin dahil sa kanilang kulay na itim at sa kanilang liit. Kailangang umisip ng paraan upang mapuksa ang nakamamatay na lamok.

 

    Ang panawagan na puksain ang pumatay na dengue ay parang lamok na umuugong sa ating tenga. Isa itong malaking problema. At ang pinakamabisang paraan para solusyunan ang problema nito ay ang magsimula sa pinaka-ugat. Patayin ang itlog ng lamok!

 

    Ang isang babaeng lamok ay naglalabas ng 400 na itlog, apat na beses sa kanyang buhay. Napakarami kung susumahin. Paano kung may 5 babaeng lamok ka sa bahay? O mas marami pa? ilang itlog ng lamok yun? Ilang lamok ang lalaki sa tahanan mo!

 

     Ang mga researchers mula Department of Science and Technology’s Industrial Technology Development Institute ay napag-aralan na ang pagpatay sa mga itlog na ito ang pinakamabisang paraan upang mapababa ang bilang ng dengue-carrying mosquitoes. Matapos ang maraming laboratory studies, ang mga  researchers ay napatunayan na ang bilang ng aegis aegypti mosquitoes ay bababa kung ang mga tubig na pinangingitlogan ng lamok ay  magagamot. Ito ay magreresulta sa pagpababa ng dengue cases.

 

    Sa kanilang pag-aaral, gumamit sila ng “mosquito trap” na tinatawag na OL TRAP (Ovicidal-Larvicidal Trap). Ayon sa kanila ang lawanit na ginagamit dito at ang kulay itim na lalagyan nito ay umaakit sa mga lamok. Ang pellets na nilalagay sa tubig ay pumapatay sa itlog at larvae ng lamok. Ayon sa kanilang laboratory tests, ang OL TRAP ay 100 % na epektibo.

 

    Gamitin ang OL TRAP at sabayan ng paglilinis sa bahay. Mahalaga ang buhay ng bawat tao. Huwag nating hayaan na isang lamok lamang ang papatay dito.

    

Duck Cover and Hold

posted Nov 25, 2013, 12:55 AM by Gemma Rose Loyola

    Paghahanda at pagpaplano ang tanging sandata upang hindi mapahamak sa oras ng sakuna.

 

    Oktubre 15, 2013 8:12 n.u. sa Bohol, naitala ang 7.2  lindol sa Eskalang sismolohikong Richter. Ang episentro nito ay matatagpuan sa Carmen, Bohol at may lalim na 33 kilometer. 

 

    Maraming ang  napinsala sa lalawigan ng Bohol. Ayon sa pahayag na inilabas ng NDRRMC,  mahigit na 199 na katao ang tiyak na nasawi, 648 na katao ang tiyak na nasaktan, at 8 ang kompirmadong nawawala. Tinatayang hindi bababa sa ₱2.2 bilyon ang inaasahang pinsala ng pagyanig. Ang bayan ng Loon ang naitalang may pinakamaraming bilang ng nasawi. Halos 1,137,852 katao o higit sa 90% ng bilang populasyon sa pulo ang naapektuhan ng pagyanig. Humigit kumulang 52,500 mga kabahayan ang napinsala o nawasak, kung saan ang mga bayan ng Tubigon, Carmen, at Calape ang labis na napinsala

 

    Nais mo bang maulit pa ito? Ang sagot ay …HINDI.  Ngunit ayon sa mga esperto ang lindol ay hindi maiiwasan, hindi ito katulad ng bagyo na alam kung kailan tatama at kung gaano kalakas. Ang lindol ay biglaan at traydor! Dapat tayong maging handa. Dapat ay sapat ang ating kaalaman para di mapahamak.

 

    Taon taon ay nagsasagawa tayo ng earthquake drill sa paaralan . Ang unang itinuturo ay ang mga katagang : “Duck Cover and Hold”. Kapag tinanong mo ang mga mag-aaral kung ano at paano yan gagawin… aba… alam na alam nila. Itinuturo din sa mga bata ang pinakatamang lugar kung saan sila tatakbo para maging safe.

 

    Ngunit ang tanong: Epektibo kaya ito? May matatakbuhan pa ba ang mga mag-aaral kung lilindol? O baka naman sa liit ng paaralan at sa dami ng gusali wala naring pupuntahan ang mga bata.

 

    Nararapat na ihanda din ng DepEd  ang mga paaralan para sa ganitong sakuna, hindi lang ang guro at mga bata ganun din ang mismong paaralan, baka kasi wala ng “open space” para takbuhan kung sakaling lumindol.

 

    Don’t panic…isa pang mabisang paraan para makaligtas sa lindol. Ang pagpapanic ay maaring maging dahilan ng kalituhan at maaring malimutan ang lahat ng natutunan sa earthquake drill. 

 

    Mahalaga din na may “family emergency plan” na kung saan alam ng bawat miyembro ng pamilya kung ano ang tamang gagawin kapag lumindol at pagkatapos ng lindol.

 

    Kilos! Ihanda ang sarili. Maplano upang sigurado ang kaligtasan.

    

Campus Journalism: humuhubog sa makabagong pinuno

posted Nov 25, 2013, 12:53 AM by Gemma Rose Loyola

    Ang pamumuno ay isang mahalagang katangian na di namamana bagkus ay natutunan at ang mahusay na pinuno ay minomolde ng panahon at karanasan.

 

    Sa nagdaang eleksiyong pambarangay, muli tayong namili ng pinuno.  May kanya-kanyang dahilan at opinyon sa kung sino ang ibinoto. Ang iba ay tunay na naniniwala sa kanilang pinili, ang iba naman ay napilitan lamang at mayroon din namang dahil sa “pangangailangan”.

 

    Tunay ngang mahirap humanap ng mahusay na pinuno. Kaya naman tama lamang na sa murang edad ng ating kabataan ay turuan at imulat  sila sa mga suliranin at pangangailangan ng ating bayan. Ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo ng balita at ang pagbabasa ng pahayagan ay mabisang paraan upang malaman ng ating kabataan ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Dito ay marami siyang malalalaman. Maiintindihan niya ang mga pangangailangan, suliranin at magagawa niyang pag-aralan ang mga impormasyon na makakatulong upang makapagbigay ng mga paraan  kung paano mapapabuti ito- isang katangian ng kabataang magiging mahusay na pinuno.

 

    Maraming mahusay na journalist ang naging matagumpay sa larangan ng pamumuno. Isang magandang halimbawa ay ang dating pangalawang pangulo  na si Noli de Castro. Ang kanyang mahabang karanasan bilang isang journalist ay humubog at nagturo sa kanya kung paano ang tamang pamumuno.

 

    Maaring isa o marami sa ating mga campus journalist ang magiging Noli de Castro sa darating na panahon. Ang mga campus journalist ay namumuno sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon, sa paggising sa kaisipan, pagbibigay babala at solusyon sa  mga suliranin sa paaralan sa pamamagitan ng kanilang mga isinusulat. Dedikasyon at sapat na panahon ang inilalaan sa bawat balitang kanilang isinusulat, sapagkat alam nilang ito ay mahalaga.  Kung ang mga katangiang ito ay sisimulan sa elementarya hanggang sekondarya, tunay na mahuhubog natin ang kaisipan at paniniwala ng  ating mga kabataan.

 

    Ang mahusay na pinuno ay tunay na Pilipino na makaDiyos, makaPamilya, makaKalikasan, maKatarungan, at makaBayan. Gawin nating instrumento ang pagsulat upang gumabay sa ating kabataan na maging mabuting pinuno at mamamayan ng ating bansa.

Itaas ang dangal ng guro

posted Oct 6, 2012, 3:09 PM by Gemma Rose Loyola

Nakalulungkot. Kaliwa’t kanan ang naririnig na reklamo tungkol sa guro. Isang bagay na nakapagpapababa sa moral ng lahat ng guro at lahat ng naging guro.

Anong trabaho ang pinaka-stressful? Ang laging sagot ay ang pagtuturo!

Sa kaisipan ng marami, ang mga guro ang humuhubog sa batang kanyang tinuturuan. Malaki ang epekto niya sa bata bilang guro nito- sa kanyang gawi, ugali, paniniwala, at nararamdaman.

 Sa paningin ng marami, ang guro ay dapat mabait. Palaging nakangiti ng matamis…hindi nagagalit, hindi sumisigaw….hindi nanakit.

 Sa paniniwala ng marami, ang guro ay dapat matalino. Kahit na anong subject- English, Math, Science- kaya niyang ituro.

 Sa paniniwala ng marami, ang guro dapat ay “all-around”.  Taga-ayos ng magulong silid, tagasilbi sa mga dumarating na bisita, tagagawa ng reports, tagahuli ng mga nagsusugal na bata, gumagamot ng mga nagdurugong sugat ng bata, taga-awat ng mga nagsusuntukang bata…taga ayos ng problema ng bata.

 Sa paniniwala ng guro….ang guro ay dapat mayaman. Siya ang bumibili ng lahat ng kanyang pangangailangan sa loob ng silid-aralan, mula upuan hanggang sa ballpen na kanyang kawak….binili nya. Dapat siya’y mayaman, kung makasuhan at makulong-may pangpiyansa, kung matanggal sa pagtuturo- may pangnegosyo.

             Sa paningin ng marami, ang guro ay “superman”. Kayang gawin ang lahat.

 Hindi superman ang guro. Siya’y napapagod, nagkakasakit, nalulungkot at nagagalit- dahil siya’y tao. Ang guro ay may maliit na sahod na dapat pagkasyahin sa kanyang pamilya at sa kanyang gastusin bilang isang guro. Siya’y may mga kahinaan gaya ng isang ordinaryong tao.

 Sa loob ng paaralan, hindi lamang bata ang hinuhubog. Ang guro ay unti-unting minomolde ng uri ng mag-aaral na hinahawakan nya. Kapag siya’y nagturo ng mga batang mahusay, dumarami ang kanyang kaalaman dahil kailangan niyang mag-aral bago humarap sa mga bata na ito. Kapag siya’y natapat sa mga batang may hindi kanais-nais na pag-uugali, dapat siya’y matatag, kung hindi siya’y uuwing umiiyak .

 Huwag husgahan ang guro. Maramimg bagay ang maaring makaapekto sa gawi ng isang guro sa loob ng paaralan. Bigyang solusyon ang mga suliranin at kakulangan na kinakaharap ng guro sa kanyang  paaralan, maaring ito ang mga dahilan kung bakit ang guro ay maraming kahinaan.- Gemma Rose D. Loyola

SLAC ON REVISITING/UPDATING RECORDS IN APPES

posted Oct 6, 2012, 3:03 PM by Gemma Rose Loyola   [ updated Oct 6, 2012, 3:06 PM ]

The Accreditation Program for Public Elementary Schools (APPES) is an evaluation system to identify and improve school effectiveness and foster excellence to the school, division, region and national levels of the educational system.

             Through the collaborative efforts of the principal and teachers of Cataning Elementary School, an overall score of 57-63, equivalent to a “Good” rating was attained by Cataning Elementary School making it a Level 1 passer of APPES.

 With this, the hope of stepping up to level 2 is still a challenge to the principal and teachers.

 Through the efforts of the APPES Coordinator, Mrs. Gemma Rose D. Loyola, the school conducted a SLAC about Revisiting/Updating Records on APPES, last September11, 2012, with the following objectives:

1.         To help teachers be prepared for the next evaluation.

2.         To identify

a.         accomplished reports

b.         incomplete and disregarded reports

 The SLAC was begun by a prayer led by Mrs. Monica S. Nebre and followed by the singing of the national anthem and Dugong Balangueno by Mrs. Leni Gutierez. The roll call was made enjoyable by the Grade 1 teacher, Mrs. Mary Jane Martinez. She used “K to 12 songs”. Encouragement and fruitful advices from Mrs Amelia T. Inieto, motivated everyone to sit and give their full attention to the topics to be tackled.

 The chairman of the activity, Mrs. Gemma Rose D. Loyola explained the importance and purpose of APPES.

 Coordinators of the different components, discussed the reports to be accomplished. After each discussions, the participants are encouraged to ask questions for clarification. Coordinators gave their best to attend to all the questions given.

 At the end of the day all teachers are ready to accomplish their reports for the next evaluation. Certificates of participation were given to the teachers for attending the SLAC.- by Gemma Rose D. Loyola


SLAC ON REVISITING NCBTS-TSNA AND IPPD

posted Oct 2, 2012, 1:44 PM by Gemma Rose Loyola

Education is life and everyone is a Lifelong Learner. The multiple tasks and deep dedication to the pupils of a teacher, made him focus only on the daily grind of the classroom, sometimes forgetting that he himself is also a lifelong learner.

     Thus, the teachers of Cataning Elementary School turn gears and start take steps for self-assessment by reflecting on his own practices, capabilities and skills as a teacher.

    Cataning Elementary School, through the effort of the principal, Mrs. Amelia T. Inieto and, the chairman, Mrs. Gemma Rose D. Loyola conducted a SLAC session on Revisiting NCBTS-TSNA and IPPD last June 15, 2012, with the following objectives:

1.    To gather data on the needs of the teachers for their continuing training and development and

2.    To develop individual’s knowledge and skills in performing their functions effectively.

 The SLAC was begun by a prayer led by Mrs. Monica S. Nebre and followed by the singing of the national anthem and Dugong Balangueno by Mrs. Analiza G. Taguinod. The roll call was made hilarious by the Master Teacher of Grade 6, Mrs. Marlyn B. Gerio, which was enjoyed so much by everyone. Encouragement and fruitful advices from Mrs Amelia T. Inieto, motivated everyone to sit and give their full attention to the topics to be tackled.

 The chairman of the activity, Mrs. Gemma Rose D. Loyola explained the importance and purpose of NCBTS-TSNA, how the self-administration of TSNA tool is done and the utilization of TSNA results for the development of IPPDs.

 The last hours of the activity were consumed by everyone being busy answering the electronic self-assessment tool and creating their IPPDs.

 At the end of the day all teachers were able to submit the accomplished outputs. Certificates of participation were given to the teachers for attending the SLAC.- Gemma Rose D. Loyola

Cataning Elem Holds Brigada Eskwela

posted Jun 10, 2012, 12:07 AM by Gemma Rose Loyola

Cataning Elementary School joined the nationwide “Brigada Eskwela 2012” last May 21 to 28, 2012. This program aims to prepare all public schools for the opening of classes.

A foot parade cued the opening of the event, which was joined by teachers, Cataning barangay officials, Kabalikat members, For Peace members, parents and pupils. In the short program Mrs. Amelia Inieto, the principal of Cataning Elementary School, acknowledged everyone who joined the parade. Recognition was also given to those who donated cash and materials for the accomplishment of Brigada Eskwela. She also cited the importance of the event and encouraged everyone to help the school be ready for the opening of classes.

The concentration of the week-long program was on the preparation of comfort rooms, Education Secretary Bro. Armin Luistro says "Our thrust in this year's Brigada Eskwela is on school sanitation because it is also where personal hygiene is reinforced among our students which can, in turn, help develop their self-esteem". Aside from that, cleanliness on the environment was also prioritized. Teachers have their room repainted, cleaned and repaired.

Through the spirit of “Bayanihan,” Brigada Eskwela mobilizes parents, teachers, students, civic groups, and non-government organizations, soldiers, and community residents to take part on this project. -Gemma Rose D. Loyola

Gabi ng Cataning

posted May 12, 2011, 1:31 AM by Gemma Rose Loyola   [ updated Jun 10, 2012, 12:09 AM ]

In spite of the darkness that encircled the Plaza Mayor last February 12, 2011, the students and teachers of Cataning Elementary School dazzled that evening.

It was a showcase of talents. Hits of 1960’s up to the present were heard, along with the movement of feet and body by the pupils. Teachers did an ethnic dance that added to the excitement of the crowd, many were amazed by the oratorical speech given by Darry Bhoy Cabusao.

The night was even made beautiful by the foxy outfits worn by the participants, the make-up and crafty materials used.

The emcees that evening were Mrs. Jennifer J. De Jesus and Mrs. Maria Rosario P. Cubales.  Each presentation showed by each grade level was preceded by a backgrounder read by the emcees.

Gabi ng Cataning will not be a success without the support of the principal, Mrs. Amelia T. Inieto and the GPTA President, Mrs. Myla Escartin. The principal emphasized the importance of the event to the pupils and expressed her happiness for the cooperation given by the parents and teachers.  The program ended with the acknowledgements given by the GPTA President.- Gemma Rose D. Loyola

Ma’am Amy Inieto, Outstanding Principal

posted May 12, 2011, 1:29 AM by Gemma Rose Loyola

 Ang edukasyon ay isang instrumentong makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa. Dahil ditto, malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga guro sa pag-unlad at paghubog ng kabataan. Sila rin ang humihikayat sa aming mga bata upang abutin ang aming mga kaalaman, ituro sa amin ang tamang saloobin sa paggawa. Sila rin ang nagbibigay diin sa kahalagahan ng edukasyon sa aming mga bata, magulang at pamayanan.

 

 

            Bukod sa mga guro, may taong pang maituturing kong nagbigay sa akin at sa iba pang mga bata na nag-aaral sa Cataning ng aral at inspirasyon. Kahanga-hanga ang taong ito na itinuturing kong pangalawa kong ina. Taglay niya ang kalinga at pag-aarugang ibinibigay ng isang tunay na ina sa kanyang anak. Kung kaya’t ganun na lamang ang katuwaang nadama  ko noong siya ay hinirang bilang isang outstanding principal.

 

            Isang karangalan sa pinakamamahal kong paaralan ang magkaroon ng isang mabait, mapag-aruga at ngayon nga ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na punongguro sa buong Dibisyon ng Lungsod ng Balanga.

 

At hindi nakakapagtaka na ituring siyang outstanding dahil siya ay tunay na napakagaling. Ang pagiging rank 1 ng paaralang Cabog-cabog sa National Achievement Test (NAT) noong siya ay naging punongguro dito ay isa lamang sa mga patunay na siya ay napakahusay. At dito sa ating paaralan di ba’t sa loob ng maikling panahon ng pangangasiwa niya ay napakarami na niyang naipagawa sa ating paaralan.

 

Hindi lamang iyan, naging panlaban din ang ating paaralan sa iba’t ibang laban ng pangrehiyon. At iyan ay dahil sa ating outstanding principal.

 

Pero sa kabila ng kanyang tagumpay, nananatiling nakatapak pa rin siya sa lupa kung kaya’t isa siya sa mga mukha ng tagumpay na dapat nating tularan.

 

Kaya sa iyo Ma’am Amy Inieto……..CONGRATULATIONS!!!!! 

1-10 of 41