Maligayang Pagbati!

Ang Museo ng Muntinlupa, na matatagpuan sa baybayin ng Laguna de Bay, ay isang museo na may limang palapag na naglalaman ng pangunahing galerya, bulwagan ng mayor, interaktibong sentrong pang-agham, at teatrong may dalawang daang upuan na pwede rin sa mga PWD na nagsisilbing venue para sa mga pangkulturang palabas, oryentasyon, at audyo-biswal na presentasyon.

Isang proyekto ni Mayor Jaime R. Fresnedi, ang Museo ng Muntinlupa ay itinatag sa ilalim ng Tourism and Arts Department (TCAD) ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa.


Kasaysayan ng Muntinlupa

Ang pinagmulan ng pangalang “Muntinlupa” ay hindi bababa sa tatlong bersyon. Una ay ang pagkakaugnay nito sa manipis na tuktok na lupa sa lugar kaya tinawag itong Muntinlupa. Pangalawa, ang mga residente, na sinasabing tumutugon sa katanungan ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo tungkol sa kung ano ang pangalan ng kanilang lugar ay sinasabing "Monte sa Lupa" na napagkamalang sagot sa tanong kung ano ang pangalan ng barahang nilalaro nila. Pangatlo, ang topograpikong katangian ng lugar, kung saan ang salitang Monte o bundok ay pinalawak at ginawang Muntinlupa o lupaing bundok.


Panoorin ang bidyo na ito na nagpapakita ng bahagi ng Muntinlupa mula sa Meysapan hacienda, lalawigan ng Tondo hanggang sa lalawigan ng Rizal. Ngayon, ang Muntinlupa ay nananatiling malaya nang mahigit isang daang taon at patuloy pa ring umuunlad ang aming Lungsod.

Istraktura

Tignan ang paligid.

Kagiliw-giliw na Kaalaman!
Ang panlabas na disenyo ng istruktura nito ay hinango sa kagamitan sa pangingisda na tinatawag na baklad, na ginamit ng mga Muntinlupeñong mangingisda noong araw sa Laguna de Bay. Ang disenyo ay nagbibigay importansya sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan noong mga unang panahon.

COPYRIGHT @2021, ALL RIGHTS RESERVED

South Mansfield College

Technical Research Team