By Dr. Josephine Agapito, Department of Biology
Ang titulo nito’y awit sa inagurasyon. Ng pangulong halal sa ating panahon. Salamat sa pag-asa’t mga inspirasyon. Na siyang nakapaloob sa awiting iyon. Nang magtalumpati itong bagong halal. Sadyang pinakinggan laman ng isipan May mga gagawing pinagpaplanuhan. Tunay na pagbabago ang ikinikintal. Sa mga sinabing kay raming kataga. Di ko mapigilan na sadyang mamamangha. Dahil kay ganda kung sadyang magagawa. Uunlad ang bansa’t sasaya ang madla. Maraming binanggit na mga pangako. Katarungan ang una sa kanyang liderato. Di manungungurakot o mang-aabuso. Pantay na pagtingin sa lahat ng tao. Nagmula sa bibig ay kototohanan. Maraming suliranin ang dala ng bayan. Di kasi nakita itong kaunlaran. Nagdaang pamahalaa’y di ito nakamtan. Dahil sa kahirapa’y maraming umalis. Sa ibayong dagat doon nagtitiis. (DH) Gobyerno ng bansa tila nalilihis. Pagtulong sa mahihirap hindi mapabilis. Kaya’t di nga naman sila masisisi. Pulitika dito ay sadyang marumi. Budget sa luho at mga pagbibiyahe. Isama pa rito’y scam na marami. Dapat kong banggitin ang kanyang sinabi Na wala siyang hangad kungdi ang magsilbi Maging mabait na anak, kuya ng marami Maging mamamayang Pilipino na sadyang mabuti. Kaya’t ang araw na ito ay makasaysayan. Tunay na pagbabago’y sadyang aasahan. Sa tulong ng Diyos na nakakaalam. Nang laman ng puso nitong pamunuan. Kaya’t simulan na itong pagbabago. Sa pagkakaroon ng bagong ehemplo. Dahil mas mabuti kung pangulo mismo Ang siyang huwara’t tunay na modelo. Dito sa aking tula ay mayroong dalangin. Halal na pangulo’y inyong kalingain. Malinis na puso’t taos ang hangarin. Matuwid na landas kanyang tatahakin. June 30, 2010 5:40 pm JD’s computer room, JD’s place
|